Big Time Smuggler, Habang Buhay Ikukulong

ISINULONG SA Senado ang isang panukalang batas na magpapataw ng parusang habang buhay ng pagkakabilanggo laban sa mga big time smuggler sa bansa.

Base sa Senate Bill 456 na nais ni Senate President Pro-tempore Ralph Recto na ideklarang saklaw ng capital offense ang big time smuggling kung mahigit sa P1 milyon halaga ang naipuslit na mga kontrabando.

Inihain ng mambabatas ang nasabing panukala kasunod ng pahayag ng dating opisyal sa Finance department na umaabot ng hanggang sa P800 billion ang halaga ng naipupuslit na kontrabando sa Pilipinas bawat taon.

Samantala, binigyang-diin ni Recto na maliban sa malaking pera ang nawawala sa kaban ng gobyerno, malaking epekto umano sa ekonomiya ang talamak na smuggling sa bansa bunsod ng hindi matapos-tapos na katiwalian sa loob at labas ng Bureau of Customs.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.