Bicycle Lane sa EDSA-Makati, Bukas Na

PINASINAYAAN NA ng Metro Manila Development Authority (MMDA) kahapon ng alas-7:00 ng umaga ang bicycle lane sa northbound lane ng EDSA-Makati City.

Ang 2-way bike lanes ay mula sa MRT-Magallanes station hanggang sa MRT-Ayala Avenue station.

Layon ng nasabing bicycle lane na maiwasan ang mga aksidenteng kinasasangkutan ng mga siklista.

‘Di tulad sa karaniwang bicycle lane, makikihati ang daanan ng mga siklista sa daanan ng mga pedestrian.

Mayroon din namang inilagay na bike racks ang MMDA na puwedeng pag-iwanan ng bisikleta.

Samantala, babantayan ito ng mga tauhan ng MMDA kung saan bibigyan ng tag ang mga may-ari ng bike na siya ring gagamitin sa pag-claim.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.