Biazon: Gov’t Officials, Kasabwat ng Smugglers

AMINADO SI Customs Commissioner Ruffy Biazon na talamak pa rin ang smuggling partikular sa langis at nananatiling hamon umano sa kanyang tanggapan.

Pero hindi naiwasan ni Biazon na magdamdam kay Ramon Ang ng Petron Corp. na naglabas ng pahayag hinggil sa pamamayagpag ng oil smuggling sa Pilipinas.

Ayon kay Biazon, bago pa man nagsalita si Ang, matagal na silang nagpapatupad ng mga reporma tulad ng modernisasyon para masugpo ang smuggling.

Sinabi ni Biazon na bagama’t lehitimo ang reklamo laban sa smuggling, hindi maitatanggi na maaaring may sariling interes o motibo rito ang Petron.

Samantala, hindi rin daw natitigil ang mga paninira sa kanya para mapalitan sa pinag-aagawang posisyon sa pamahalaan.

Aminado rin ang opisyal na maliban sa mga tiwaling negosyante, hindi malayong may nasasagasaan itong opisyal na nagsisilbing protector o padrino sa smuggling operations.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.