Biazon, ‘Di na Magre-Resign

HINDI NA magbibitiw si Customs Commissioner Ruffy Biazon.

Sinabi ng Bureau of Customs (BOC) chief na nakausap na niya si Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III kasunod ng ika-apat na State of the Nation Address (SONA) nito kung saan kabilang sa mga sinabon ang kanyang kagawaran.

Aniya, nananatili ang kumpiyansa ng Pangulo sa kanya.

Ipinarating ni Biazon ang kanyang alok na pagre-resign kay Pangulong Aquino sa pamamagitan ng text message.

Una na ring ibinahagi ng Customs chief ang eksaktong mensahe ng Pa-ngulo sa kanyang opisyal na Twitter account.

@ruffybiazon President’s reply: “RUFFY we both know the difficulties in the agency you are trying to reform. My confidence in you remains the same,”

Ayon  kay Biazon, hindi siya dumalo ng SONA dahil walang natanggap na imbitasyon.

Samantala, una nang sinabon ni PNoy sa SONA ang BOC dahil sa talamak na smuggling.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.