Bianca Manalo, pinapantasya si Piolo Pascual

AKALA SIGURO NG marami na kapag isa kang beauty queen, maraming nanliligaw sa iyo. Pero sa kaso ng 2009 Binibining Pilipinas-Universe na si Bianca Manalo, loveless daw siya ngayon.

It seems like the guys are intimidated by her stature as a former beauty queen. Sabi nga niya sa isang interview ng Push.com.ph, “Alam mo kung ano’ng nakakatawa, walang nanliligaw sa akin. Hindi ko nga alam kung bakit. Akala siguro nila kapag sinabing beauty queen eh, untouchable na. Other people find me snobbish, pero hindi talaga.”

Sa ngayon, nakatuon muna ang atensiyon ni Bianca sa kanyang afternoon series na Juanita Banana where she plays a young woman trying to catch a teardrop mula sa isang puso ng saging, pero nakilala niya ang isang prinsipe ng mga dwende who uses his magic para tuparin lahat ang kanyang mga kahilingan. Kung si Bianca kaya si Juanita, ano kaya ang kanyang hihilingin? Hilingin kaya ni Bianca na makilala na niya si Mr. Right?

Ano ba ang mga hinahanap ni Bianca na katangian sa isang lalaki? “Ang gusto ko lang naman ‘yung nagdadasal, nagsisimba, mamahalin ako at faithful sa akin. Physically, gusto ko boy next door ang dating. At siyempre ‘yung kaya akong buhayin.”
Aminado naman siya na biggest crush niya si Piolo Pascual. “Very common, ‘no? Pero kasi naman napakaguwapo naman talaga ni Papa P, eh. Ang perfect ng face niya, parang walang mali. ‘Yung jaw, ‘yung ilong, ‘yung eyes na ‘pag tumitig para kang matutunaw! Crush ko talaga siya.”

Normal lang naman ito dahil sinong babae ang hindi magkakagusto sa isang Piolo Pascual? Ano pa ba naman kasi ang hahanapin mo sa isang lalaking katulad niya? He is good-looking, single, and a talented actor and singer. Kaya naman hindi maikakailang he is one of the hottest eligible bachelors in the country today. He is the poster boy of the gorgeous level you can bring home to mama. At tiyak na hindi magagalit ang iyong ina kapag inuwi mo sa inyong bahay si Piolo. Iyong teenager nga na anak ng isa kong kaibigan kinikilig kapag nakikita si Piolo sa telebisyon.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

3 thoughts on “Bianca Manalo, pinapantasya si Piolo Pascual

  1. love the girl, so natural walang kaplastikan sa katawan. thanks to showtime dun nakita kung gaano siya kakikay…way to go miss bianca.

  2. kaaliw ang show nila.

    light lang pero maganda.. sana wag nila baguhin ang script. light lang, wag na papasukan pa ng mga kidnapan, patayan, dapat yung laging may halong comedy.

  3. Marami ang galit kay Bianca dahil naunahan pa niya sila na magkaroon nang sariling teleserye. Pero si Bianca, natural na natural umarte. Walang kaplastikan. She can be a Maricel Soriano or Judy Ann Santos. May mga iba diyan na trying hard pero wala lang. . .right, Mar____l ?

Leave a Reply

Your email address will not be published.