Bianca Manalo, patuloy na tinitira!

HINDI PA MAN naipalalabas ang launching fantaserye ni Bianca Manalo na Juanita Banana ni Direk Jeffrey Jeturian ay inuulan na ito ng intriga. Sa dinami-rami ng talent (beauty and brain) sa Star Magic na frozen delight, bakit sa isang baguhang ex-beauty queen ipinagkatiwala ng ABS-CBN ang nasabing proyekto? Marami ang nagtaas ng kilay, nainggit, naghahanap ng kasagutan sa kanilang mga katanungan.

Excited naman si Bianca sa bago niyang show sa Kapamilya network kaya keber kung pilit siyang iniintriga. “At first, ayaw kong maniwala na may solo show na ako. ‘Yung manager ko ang nagsabi sa akin, he was in Paris nang tinawagan niya ako. ‘Yung production staff ng Magkaribal, sinabi rin nila sa akin, magkakaroon ako ng show, ’yun,” excited na sabi ni Ms. Bianca.

Una nating napanood si Bianca sa Magkaribal bilang matalik na kaibigan ni Bea Alonzo. Parang hindi baguhan kung umarte. Kapansin-pansin ang pagiging natural nito sa bawat eksena, nakaaaliw panoorin ang babaeng ito. Kinakitaan ng galing sa pag-arte kaya binigyan agad ng break sa Maalala Mo Kaya na buong husay naman niyang nagampanan. Ang resulta, isang fantaseryeng hahamon sa kanyang kakayahan bilang artista.

Mabilis ang pangyayari, months lang naging instant bida kaagad si Bianca. Anong mayroon siya na wala sa ibang baguhang artista? Sino nga ba ang nagbigay ng break sa dating beauty queen turned-actress? “Hindi ko po alam pero ako po ay naniniwala, sobrang blessed lang ako ngayon. Siguro natuwa sila sa role ko sa Magkaribal na nagpakatotoo lang ako. Sabi nga nila, natural daw akong umarte, ganoon talaga ako sa totoong buhay. Siguro ‘yun ang nagdala sa akin para ako magkaroon ng sariling project.”

May nagsasabing kaya raw napili si Bianca for the role as Juanita Banana dahil may kapatid itong nagtatrabaho sa network na Program Manager. “Actually kasi sa aming family, ‘pag pamilya, pamilya, pero kapag sa work, professional kaming lahat. Walang kinalaman ang kapatid ko, kung sasabihing program manager ang kapatid ko, hindi na sana ako nag-flight attendant before. Sana nu’ ng may show ako sa Studio 23, tinuluy-tuloy ko na, ‘di ba? Hindi kami ganu’ n, like when I joined Bb. Pilipinas, beauty queen din ang sister ko, ‘yung sister ko hindi rin nagpakita. Nagpakita lang siya, night of the coronation, kasi, ayaw namin ng ganu’n. Naniniwala kami professional lahat dito magtrabaho, gawin mo on your own.”

Comment sa mga nagsasabi na mas maraming deserving sa ‘yong mabigyan ng break maging bida? “Naniniwala ako na lahat ng tao, may kanya-kanyang galing na bigay ng Diyos, so, bakit ako maha-hurt kung sasabihin nilang mayroong mas deserving sa akin?”

Hindi maiiwasang i-compare si Bianca kay Venus Raj na pareho naging beauty queen. Naging 4th runner-up kasi si Venus sa Ms. Universe 2010. Samantalang si Bianca ay hindi man lamang pumasok sa top 15. “Ito lang ‘yun, huwag na lang mag-compare, I had my time. Oo, minsan nagpasa ako ng korona sa kanya pero that’s it. Venus and I are good friends. Huwag naman sana nilang bahiran, ‘di ba? Wala naman ‘yan, taga-showbiz na rin siya, so, I’m happy for the both of us.”

Palibhasa bida na nga si Bianca sa bagong fanteserye, apektado kaya siya sa mga intriga? “Hindi na, nasanay na rin ako. Kasi ako, from the very beginning sinabi ko naman, hindi ako nag-succeed sa Ms. Universe. Sinabi ko rin sa lahat ng tao na launching pad ko lang ‘yan, kasi ito ‘yung plan sa akin ni Lord. Feeling ko ang lakas-lakas ko kay Lord, kasi sobra!”

Inamin ni Bianca na palaban siya sa totoong buhay, walang inuurungan. Ipinaglalaban niya kung ano ang tama. “Oo, palaban pero hindi ‘yung nang-aaway. Kapag may mga challenges go lang kami nang go, wala kaming inaatrasan. Lahat kaming magkakapatid wala kaming inuurungan basta nasa katuwiran. Kung may gusto kami, pinu-pursue talaga namin.”

Pagdating sa pag-ibig, ipinaglalaban ni Bianca ang lalaking mahal niya. “Right now, I’ m single so, wala akong iniisip na ganu’n ngayon. Walang nanliligaw, focus muna tayo sa career, mas maganda ‘yun. Ngayon pa lang ako mag-uumpisa, so, concentrate muna tayo sa trabaho, saka na ‘yun.”

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

5 thoughts on “Bianca Manalo, patuloy na tinitira!

  1. juanita banana..lintek sa title pa lang wala nang dating…sabagay panoorin na lang natin kumain ng banana si bianca parang naiimagine kong kinakain nya ang banana ko…ahhhh,,..sarraaappp…

  2. Napanood ko pilot episode ng Juanita Banana. Nakakatuwa at nakakatawa. Magaling si Miles Ocampo as the young Juanita Banana. Sana kapag lumabas na si Bianca Manalo kakitaan din siya ng galing tulad ni Miles Ocampo.

  3. Ipinakilala sa SNN ang Juanita Banana pero bakit parang dry na dry ang reaction ni Bianca at Boy Abunda ? Dahil ba nasapawan na naman ang talent ni Boy na si Mariel? Naunahan kasi. May personalidad naman kasi si Bianca na malakas. Puwedeng pang comedy at drama. Nakakatawa pa siya. Si Mariel, plastik nfa plastik umarte. Iyon lang. . .

Leave a Reply

Your email address will not be published.