Bianca Manalo, na-trauma kay John Prats

NASA TV5 na rin ang beauty queen-turned-actress na si Bianca Manalo at kaagad siyang isinama sa bagong drama series na Positive. Tungkol ito sa isang tao HIV positive at kung paano itutuwid ang buhay hanggang sa kamatayan.

Natuwa si Bianca nang i-offer sa kanya ang project at na-challenge sa role na isang HIV positive na ibinase sa totoong tao.

Nagpasalamat siya sa ibinigay na welcome ng TV5 dahil pinagkatiwalaan kaagad bigyan ng isang mapangahas na role.

When ask about her lovelife? Medyo nalungkot ang mukha at mariing sinabi na, this time daw ay magiging pribado na ang kanyang lovelife dahil sobrang nasaktan at na-trauma daw siya sa nangyari sa kanila ni John Prats.

If ever na muli raw tumibok ang puso, sana raw right guy na at hindi na siya mato-trauma.

Ayaw nang i-elaborate pa ni Bianca kung bakit naging trauma sa kanya ang naging relasyon nila ni John Prats?

 

HININGAN NG reaction si Dingdong Dantes sa nangyari raw tension sa taping ng Genesis, bagong niyang serye sa GMA-7, sa pagitan ng kanyang leading lady sa serye na si Rhian Ramos at dyowa na biglang dumating sa set na si Marian Rivera na hindi kasama sa cast ng Genesis.

“Walang nangyaring ganoon sa taping ng Genesis. Everything is perfectly normal at nagpansinan naman sila (Marian at Rhian).”

Sabi kasi ng nakakita sa nangyari, binati ni Rhian si Marian pero dinedma ito at kung hindi pa raw sinabi ni Dong kay Marian na binati siya ni Rhian ay hindi magre-react ang girlfriend?

Sa paglilinaw ni Dingdong, wala naman daw nangyaring isnaban or tension sa pagitan nina Marian at Rhian?

Hindi raw kaya may gusto lang gumawa ng gimik or may gusto pa ring manira kay Marian?

“Well, hindi naman maiiwasan ‘yun. Maaaring may ibang tao na iba ang point of view. Pero ako na ang nagsasabi na walang ganoong pangyayari,” paglilinaw ng Primetime King ng GMA-7.

 

HINDI MAKALIMUTAN ni Mara Lopez ang magandang katangian ni Nora Aunor nang makasama niya ito sa indie film na Ang Kuwento ni Mabuti para sa Cine Filipino.

Tsika ni Mara, natakot siya sa Superstar nu’ng hindi pa niya ito nakakaharap. Feeling niya raw kasi, suplada ito at masyadong istrikto.

Kinausap pa raw ni Mara ang ina na si Maria Isabel Lopez tungkol kay Nora at sinabi na mabait ang Superstar dahil nakasama niya ito nang mag-guest siya sa musical variety show ni Nora noon na Superstar.

Napatunayan ito ni Mara nang magsimula na silang mag-shooting at nasaksihan ang pagiging down to earth ni Nora.

Wala raw kaere-ere sa katawan ito na hindi mo raw sasabihin na isang Superstar. At isa pa sa kinagiliwan at kinagulat niya sa isang sikat na artista na tinitingalan ng masa ay walang maririnig na reklamo.

Kung ano raw ang kinakain nila at buong production staff ay ganoon din ang gustong kainin ni Nora. Ayaw nito ng special treatment.

Masaya raw si Ate Guy kasama dahil lagi raw itong nagpapatawa sa set at namimili pa sila sa ukay-ukay na parang isang ordinaryong tao na walang pakialam kung kanino galing ang mga pinamiling damit.

Samantala, nakahanda pa rin si Mara na magpakita ng kanyang “hiyas” na ginawa niya sa indie film na Palitan. Basta maganda raw ang istorya at kailangan talaga sa pelikula ay walang problema.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

2 thoughts on “Bianca Manalo, na-trauma kay John Prats

  1. Ingatl lang siguro si Marian Rivera na walang ‘sex video’ mangyayari kay Dingodng Dantes at Rhian Ramos at baka umalma si Mo Twister…

  2. paano na-trauma? na-trauma dahil ba kasing liit din ni john prats yung ano niya? hahahaha! naku, mato-trauma ka nga niyan teh hahahaha! bitin!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.