Bianca Manalo, mang-aagaw ng boyfriend?!

SA CONTRACT SIGNING at launching niya bilang bagong endorser ng isang beauty product, inusisa namin si Bianca Manalo tungkol sa balitang pagtawag daw sa kanya ni Dianne Medina upang klaruhin ang tungkol sa kanila ni Rodjun Cruz.

Ano ba ang kanilang napag-usapan?

“Tumawag lang siya confirming about something. ‘Yung away-away, walang gano’n. Tinanong lang niya kung lumabas ba kami nina Bekimon. ‘Yun lang, kasi, ‘pag lumabas kami ng mga taga-Juanita Banana, kumpleto kami,” lahad ng aktres na may halong pagtataka kung saan galing ang kuwento.

Bakit kailangang ikumpirma ni Dianne sa kanya ang paglabas-labas nila?

“Hindi ko po alam,” ang tanging naisagot ni Bianca.

Inaway ba siya ng dalaga?

“Hindi… hindi… hindi,” paulit-ulit na sagot ni Bianca.

Diumano ay may nakatakdang date sina Dianne at Rodjun, pero hindi nakasipot ang binata dahil sumama raw ito sa grupo nina Bianca. Dito raw nagalit at nagselos si Dianne. Alam kaya niya ito?

“Hindi ko alam ‘yan, pramis,” ani Bianca.

Ano ba ang totoong estado nila ni Rodjun? Niligawan ba siya nito?

“Magkaibigan lang kami.”

Ano naman ang sinabi niya kay Dianne nung tinawagan siya nito?

“Sabi ko, oo, lumabas lang kami nina Bekimon, nina Katya, nina Lito, yun lang,” ani Bianca.

May confrontation bang naganap between her and Dianne?

“Wala, walang confrontation,” tanggi ng aktres.

NAKAUSAP NAMIN SI Lorna Tolentino tungkol sa muli niyang pagbabalik sa primetime via Minsan Lang Kita Iibigin. Itinanong namin sa kanya kung ito ba ang klase ng proyektong hinahanap-hanap niya?

“Kasi naman, masyado ng maraming project ang ginagawa ko na ako na ang inaapi, ako ‘yung laging parang pinagtatanggol ang sarili, lumalaban, pero hindi pa rin nananaig sa kalaban. So this time, medyo complicated talaga, hindi rin siya ‘yung usual na kontrabida,” lahad ng aktres.

Bihirang gumawa ng teleserye si LT, kaya makakaasa talaga ang mga manonood na kapag may bago siyang proyekto ay engrande at maganda ito.

“I’m so happy nga na kahit papaano, itong paglipat ko sa ABS-CBN, nabibigyan ako ng magagandang proyekto. Matagal kong hinintay ito. Sa GMA-7, happy din naman ako, pero nung time na ‘yun, nagkasakit si Rudy, kaya medyo hindi rin gano’n ka-stressful ‘yung mga binibigay nila sa akin.”

Nung March 3 ang kaarawan ng namayapa niyang asawang si Rudy Fernandez, ayon kat LT, isang simpleng mass at meryenda lang ang kanilang inihanda para sa asawa. Ramdam pa rin daw niya ang spirit of guidance ng asawa.

“Oo naman, always. Plano ko nga ‘yung office sa Scout Rallos, balak kong ayusin para sa mga memorabillas niya, ipa-file na-min.”

Noon ay palagi niyang sinasabi na hindi pa rin niya ginagalaw ang mga naiwang gamit ng asawa, ngayon kayang halos tatlong taon nang namayapa si Daboy, naayos na kaya niya ito?

“Not yet, aayusin ko muna ang Scout Rallos before fixing everything. Happy naman ako na gano’n, kasi secure ako, parang madali ko siyang makausap, kasi and’yan lang siya sa tabi ko. Siguro psychological, maybe may comfort sa akin sa ngayon. But eventually ‘pag naayos ‘yung sa Scout Rallos, ilalagay ko ‘yung mga gamit na gusto rin niya siguro, but I will keep some, because Rudy is so organized,” lahad ng aktres.

Bukas pa ito sa publiko?

“It’s actually for friends and for people na part ng showbiz and family, pero hindi talaga for public, kasi nga, it’s a townhouse na compound, at hindi lang naman solo sa amin ‘yung area,” pagtatapos ni Lorna.

Sure na ‘to

By Arniel Serato

loading...

2 thoughts on “Bianca Manalo, mang-aagaw ng boyfriend?!

  1. MALANDI KA BIANCA MANGAAGAW KA NG BOYFRIEND. CGURO MASAYA KAYO NI JOHN PRATS NGAYON NOH? SANA KASI NDI KA NA NAGPAPAKITA NG MOTIBO ALAM MU NA NGA MAY KARELASYON UNG TAO. MASAYA KA NA SIGURO ANO? NANLOKO KAU NG TAO NI JOHN PRATS.

  2. Pingback: A Few New ♡ Beauty Favs! | – Beauty Belle | Bianca Manalo, mang-aagaw ng boyfriend?!

Leave a Reply

Your email address will not be published.