Bianca Manalo, happy sa takbo ng career at lovelife

Bianca Manalo
Bianca Manalo

Masipag talaga itong si Bianca Manalo.

Kaya nga ng mag-casting ang Dreamscape Entertainment para sa bago nilang pantaseryeng “My Super D” na nagsimula na last night bago mag-TV Patrol, agad, siya ang inisip ng creative team ng Dreamscape na isama sa cast as the wife of Dominic Ochoa na gumaganap naman sa role na Super D (as in Dodong).

Habang ginagawa pa ni Bianca Manalo ang “On The Wings of Love” as Nadine Lustre’s ate, nilalagare naman nito ang “My Super D”.

“Ang dali niyang ka-deal. Walang kaarte-arte,” sabi ng isang showbiz insider.

At the moment, happy si Bianca sa takbo ng kanyang career. Sa katunayan masuwerte siya at hindi nababakante sa trabaho, at siyempre, super happy ang lovelife niya with Fabio Ide.

Reyted K
By RK VillaCorta

Previous articleJames Yap, sa halatang matagal nang ‘di nakikita ang anak na si Bimby
Next articleBea Alonzo, parehong itinanggi sina John Lloyd Cruz at Paulo Avelino

No posts to display