Bianca Manalo covers-up Jake Cuenca’s courtship?!

NAKU FRANCIS SIMEON, hindi lang pala si Luis Manzano ang tumatambay sa balaysung ng inamin niyang madalas niyang ka-date na si Jennylyn Mercado.
Kasi naman, may nagtsika sa amin na may ganitong drama rin ang natsitsismis na magdyowang sina Sheena Halili at Rocco Nacino. Madalas din daw na makitang nakatambay sa condo ni Sheena si Rocco.

Kapag wala nga raw itong gawa ay asahan mong present sa unit ni Sheena ang binata.
Naku, hindi pa nga umaamin ang dalawa, mukhang nagli-live in na? We’re quite sure na magde-deny ang dalawa. Siyempre, alam mo naman ang mga artista, kahit na magdyowa na ayaw pang umamin.
ITO NAMANG SI Bianca Manalo, gusto pa yatang pagtakpan ang panliligaw sa kanya ni Jake Cuenca.

Sa kanyang interview kasi ay todo-tanggi ang dalaga na niligawan siya ng ex-boyfriend ni Melissa Ricks. Ayon sa kanya, walang ligawang nangyari between her and Jake.

Pero isang source ang nakausap namin at sinabing  totoong  nanligaw  si  Jake  kay  Bianca. That was the time na break na naman sina Jake at Melissa. Totoong pinormahan ng actor ang host ng Happy, Yipee, Yehey!.
Ang kaso, walang nangyari sa panliligaw ni Jake. Pumuporma pa lang siya ay basted na kaagad siya kay Bianca. Ayaw magpaligaw ni Bianca dahil ang katuwiran nito ay kaibigan niya ang ex-girlfriend ni Jake. Actually, nakilala lamang niya
si Jake dahil na rin kay Melissa.

At bilang true friend, kaagad na sinabi raw ni Bianca na niligawan nga siya ni Jake pero binasted niya ito. Ito raw ang patunay na tumitingin talaga si Bianca sa friendship niya kay Melissa.

Ang tsika, natuwa naman daw si Melissa sa gesture ni Bianca. Bibihira nga naman ang ganoong kaibigan na sasabihin pa ang dapat sana ay sa kanya na lang na sikreto.
Kaya ganoon na nga lang ang pagtawa ng kaibigan namin nang marinig niyang nagde-deny si Bianca sa panliligaw sa kanya ni Jake.
BLIND ITEM: NAKAKALOKA ang celebrity couple na ito. Super hilig kasi nila ang magtipid na kadalasan ay wala na sa lugar.

Kapag may okasyon sa kanilang buhay, naku, asahan ninyong halos lahat ay libre na lang. Talagang inoobliga nila ang kani-lang mga kaibigan na magdala ng something para sa okasyon.
At kung makakalusot, gagawin nilang ex-deal ang lahat ng preparasyon sa kanilang okasyong isini-celebrate. Kulang na lang ay libre lahat at presensiya na lang nila ang kailangan.

Makunat pa nga raw sa inuyat ang mag-asawa. Super tipid sila kaya naman malaki ang natitipid nila sa mga gastusin nila sa bahay.

Naloka nga ang friend namin nang malamang pati ang birthday ng kanilang anak ay halos wala silang ginastos. Pati yata ang venue ay nakuha nila nang libre.

Ganoon sila katinik pagdating sa pagtitipid.
Ang babae ay hindi masyadong visible sa showbiz ngayon pero ang kanyang dyowa ay kilalang-kilala.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

7 thoughts on “Bianca Manalo covers-up Jake Cuenca’s courtship?!

  1. If Jake Cuenca really is courting Bianca Manalo, then this is a decline of his sanity. From the pretty and well brought-up Melissa Ricks, to Bianca Manalo (I don’t really have anything against her except for her annoying high-pitched voice)? Seriously, Jake? Goodluck nalang sayo dahil dumadami na haters mo.

  2. korek ka dyan! laspag na laspag na yang si jake sa mga bading! kunwari lang ang pagoiging playboy nyan kasi hawak sya ng mga bading!!!

  3. KUNWARI LNG YANG CNA JAKE CUENCA AT BIANCA MANALO PARA PAGTAKPAN MGA BAHO NILA. PAREHO KC CLANG MGA KABET NG BAKLA TA TOMBOY NA MATAAS POSISYON SA ABS. NAKU LUMANG STYLE NA YAN. KAYA MGA GASGAS NA MGA BUTAS SA KATAWAN NG 2 NA YAN. NABABOY NA CLA NG HUS2.

  4. yang blind item mo parang kulang ka sa clue kasi maraming mag-asawa sa loob ng showbiz na panay libre ang natatanggap na mga regalo lalo na kung me okasyon gaya ng birthday, anniversarry o kasal. kaya kahit sino pwedeng maging akma dyan sa B.I. mo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.