Bianca Manalo, aminadong gusto rin si John Prats!

KUNG NAIPAKILALA NA ni John Prats si Bianca Manalo sa pamilya niya nu’ng nakaraang birthday ng ama nitong si Daddy Dondie Prats, inamin naman sa amin ni Bianca na pormal na rin pala niyang naipakilala si John sa pamilya naman niya.  Nangyari ito sa isang dinner kasama ang buong pamilya at mga kamag-anak na nanggaling pa sa ibang bansa.

Masayang kinuwento sa amin ng TV host na nagustuhan naman ng pamilya niya ang aktor katulad ng kung paano rin naman siya nagustuhan ng pamilya ni John.

Sa tanong namin kung ano na ba ang estado ng relasyon nila sa ngayon ng aktor, consistent pareho sila ni John na exclusively dating ang kanilang status. ‘Di naman itinago sa amin ni Bianca na isa si John sa nagpapasaya sa kanya sa ngayon.

Very honest ang sagot sa amin ni Bianca na bilang isang babae, hindi siya sasamang lumabas kasama ang isang lalaki kundi niya ito gusto o wala siyang espesyal na nararamdaman para rito.

Sa tanong namin kung anu-ano ba ang mga katangian na nagustuhan niya kay John, inisa-isa naman sa amin ito ni Bianca na sweet at thoughtful si John, kung saan gagawa ito ng paraan para araw-araw ay magkita sila. Hinahangaan din niya ang pagiging malapit ni John sa kanyang pamilya lalo na sa ina nito at mga kapatid na babae, na para kay Bianca kung anong klaseng anak ang isang lalaki sa kanyang ina, ganito rin kung ano ang magiging trato nito sa mapapangasawa nito.

Tinanong din namin kundi ba issue sa kanya kung mas matangkad siya sa isang lalaki? Ayon kay Bianca, hindi siya nagkaroon ng boyfriend na mas matangkad sa kanya.

Kumikislap ang mga mata ng TV host nang sabihin niya sa amin na alam niya na magiging masaya ang kanyang darating na birthday on November 28,ang Pasko, Bagong Taon, lalo na ang Valentine’s Day. Kung sino ang rason? Alam na natin kung sino ito.

 

NAKAUSAP NAMIN SI Kris Aquino sa press visit para sa pelikulang Segunda Mano, kung saan makakapareha niya si Dingdong Dantes.

Sa nasabing interview, agad naming tinanong ang TV host/actress sa lumabas na balita na P48 million daw ang makukuha ng dating asawa na si James Yap sa naging settlement nila sa kanilang annulment.May ilan nga raw nagbibiro sa basketbolista na ang yaman na nito dahil nga raw sa nakuha nitong pera.

Iwas namang magbigay ng komento si Kris dahil pagagalitan siya ng judge na may hawak ng kanilang kaso. Pero dinepensahan naman ng aktres ang dating asawa na huwag naman sa-nang maliitin si James, naging MVP naman ito at malaki naman ang kita nito.

Nag-update lang si Kris na nu’ng nakaraang Lunes ay ang kanilang last hearing. Hindi man niya masasabing close sila ni James, ang importante ay maganda ang relasyon nito sa anak nilang si Bimby, maging kay Joshua.

Ayaw rin nitong magbigay ng pahayag sa balitang papasok na rin daw sa showbizness si James. May punto naman si Kris nang sabihin sa amin na ayaw naman niyang masabihan na wala na nga siya sa buhay ng dating asawa, nakikialam pa siya lalo’t hinahayaan naman siya nito. Kaya’t mas mabuting ‘wag na rin siyang makialam sa mga magiging desisyon ng ex-husband.

Tinukso rin kay Diether Ocampo na bestfriend ni Kris sa nga-yon, kung saan naniniwala ang iba na mukhang mauuwi sa isang relasyon ang kanilang pagkakaibigan. Siniguro lang sa amin ng TV host na hindi nila type ni Diet ang isa’t isa at hindi siya magkakagusto sa isang guwapong lalaki.

Nang tanungin namin kung ano ang rason, ipinaliwanag sa amin ni Kris na ayaw na niyang lagyan ng stress ang buhay niya, dahil sapat na ang stress na kinahaharap niya. Sakit nga naman sa ulo ‘pag guwapo ang karelasyon mo lalo’t tiyak na kung sinu-sinong babae pa ang humahabol dito.

Masaya siya sa pagkakaibigan nila sa ngayon ni Diether, kung saan puwede nilang barubalin ang isa’t isa at maging tapat sa nararamdaman ng bawat isa na walang pretensyon o pagkukunwari.

 

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

5 thoughts on “Bianca Manalo, aminadong gusto rin si John Prats!

  1. hay naku, sa totoo lang bagay nga sila eh, at magkahawig pa, may kasabihan nga, kapag magkahawig ang isang couple, kadalasan magkakatuluyan sila. kaya gogo! johnky.

  2. kaya pala si binay ang gustong bingwitin ni kris dahil ayaw nya na sa gwapo. as if hindi sya ma-bo-broken-hearted pang panget ang nagustuhan nya. di ba yung tatay nyang si jejomar binay nambabae rin? yun pa nga ang mas malala, panget na nambabae pa, ang tindi nun.

  3. love them both. kahit masagwa tignan. see jules and assunta. sila rin nagkatuluyan in the end. what matters most is they love each other. :)) thats the most important thing in a relationship. :)

  4. Iba talaga pag in love! Swerte nyo John at Bianca dahil hindi lahat masaya sa pag-ibig. Sarap maging inspired so continue to spread love and happiness :)

  5. NA IMAGINE KO LANG NUNG MAG DINNER ANG MANALO FAMILY KASAMI SI JOHN DAHIL MATANGKAD LAHAT YUN SI LALAKE AY NILAGAY SA HIGH CHAIR PARA AT LEAST KA LEVEL SILA HABANG DINNER……….HAHAHAHA………PP AS IN PALIKERONG PANDAK!!!!!!!!!!!!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.