Bianca King, type kahalikan si Rhian Ramos

KUNG SI Solenn Heussaff,  gustong makahalikan si Carla Abellana kapag gumanap na tomboy, si Bianca King naman ay si Rhian Ramos ang gustong kahalikan kung lalabas na isang tomboy sa isang teleserye or pelikula.

“Hindi ko napapanood ang My Husband’s Lovers pero kung gagawin akong tomboy sa isang teleserye, si Rhian (Ramos) ang gusto kong kahalikan,” say ni Bianca nang pasyalan namin sa taping ng Maghihintay Pa Rin sa Antipolo kamakalawa ng gabi.

Parehong kaibigan ni Bianca sina Solenn at Rhian. Pero mas una niyang naging close friend si Rhian. At siguradong-sigurado raw si Bianca na papayag daw si Rhian dahil kalog din daw ang actress tulad niya.

Kaya lang, hirap na hirap sagutin ni Bianca ang tanong kung okey na ba sila ni Dennis Trillo pagkatapos nilang maghiwalay. Laging isinasagot kasi nito ay matagal na raw ‘yun at huwag nang pag-usapan. Samantalang napakadaling sabihin na, “Opo”or “Hindi pa po” kung nakapag-move-on na siya.

Wala raw kasing closesure ang paghihiwalay nila ni Dennis kaya kapag nakita at nakausap siya ng press, ‘di nawawala ang tanong kung okey na ba siya sa break-up nila ni Dennis?

Nag-iisip tuloy ang press na nakausap niya na baka hindi pa rin nakapagmu-move-on si Bianca kaya hirap na hirap sagutin kung okey na siya sa nangyaring break-up nila ng actor?

Samantala, magtatapos na sa October ang kontrata ni Bianca sa GMA Artist Center at nag-expire na rin ang kontrata sa Icon bilang co-handler niya. Kaya naghahanap siya ngayon ng magma-manage ng kanyang career.

Gusto niyang maging manager ay ‘yung makapagbibigay sa kanya ng project na hindi pa niya nagagawa sa showbiz career.

Magte-ten years na kasi siya sa showbiz kaya hanap niyang manager ay ‘yung makapagbibigay or mahahanapan siya ng project na mas higher sa nagawa na niya sa sampung taon niya sa showbiz.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.