Bianca King, kumokontra-bida pa rin!

MATAPOS ANG PITONG taong pagtatrabaho at pagiging loyal sa Kapuso Network, fi nally eh, bida na rin si Bianca King sa afternoon drama series na Sinner or Saints dating Sentensyada. Sa loob kasi ng ilang taon, pawang mga supporting at kontrabida roles ang ino-offer sa kanya ng GMA-7 pero isang araw,

ikinagulat ng aktres nang sabihan itong magbibida sa isang panghapong teleserye. Hindi raw expected ni

Bianca ang balitang bumulaga sa kanya at akala pa rati’y tsismis lang daw at ‘di pa sure. After makumpirmang totoo nga ang inakalang tsika, hindi na raw talaga nawala ang smile sa face ng lola

n’yo, he-he! Sasabak na sa heavy drama ang hitad at very challenging ang kanyang character na handang-handa na niyang gampanan huh! Meanwhile, kahit na ‘di na nang-aapi ang loka eh, mangaapi pa rin ang kanyang performance at ilalampaso ang ibang Kapuso actress pagdating sa aktingan. Ikaw

na ang maging kontra-bida. Pak!

 

Photos by Mark Atienza, Ronnie Bernaldo, Fernan Sucalit & Parazzi Wires

By MK Caguingin

Clickadora
Pinoy Parazzi News Service

loading...

5 thoughts on “Bianca King, kumokontra-bida pa rin!

  1. so-so lng nman ichura ni bianca king at walang appeal pero magaling nman cya umarte na kontrabida kaya oks na rin.

  2. She deserves it. she has been very loyal to her network at tama lang na bigyan cya ng premyo.May ibubuga nmn tlga cya when it comes to acting no doubt about it. 

Leave a Reply

Your email address will not be published.