Bianca King has to wait 7 years before starring in her own soap opera

 

SA BIBIG NA mismo ng bagong leading lady ni Dennis Trillo na si Bianca King (sa Sinner or Saint ng GMA-7) nanggaling ang mga salitang after nga niyang maghintay ng napakatagal na panahon para mabigyan ng ganitong pagkakataon, hindi muna ang pagkakaroon ng love life ang aatupagin niya. Trabaho lang muna raw talaga ang focus niya sa kasalukuyan.

Imagine nga naman, seven years na pala in the business si Bianca pero madalas na suporta ang kanyang ginagampanan o kaya eh, kontrabida.

But she is not complaining. In fact, sila ni Dennis daw ang magkakaroon ng mga sizzling scenes sa nasabing soap kaya, kahit na kinabahan daw ito nu’ng una, kinailangan niyang gawin ‘yun para mabuo ang istorya nang maayos at maganda.

Actually, marami naman ang nakakaalam na may iningatan nang love life noon pa man si Bianca. Pero ayaw na nga muna niya itong pag-usapan.

Si Alessandra de Rossi, na nagsasabing kontrabida pa rin ang magiging papel niya kina Bianca at Dennis ang nagsabing wala na ring balikan pang magaganap sa pagitan nila ni Polo Ravales na kasama rin sa nasabing soap.

Nasa level na ang dalawa ng pagiging magkaibigan na lang. At kapag binabalikan nga nila ang nakaraan nila, pinagtatawanan na lang nila ang mga naganap in the past.

 

BASTA TALAGA MAY pelikula ang mga artista, at hindi ang karelasyon nila ang kasama sa proyekto, agad-agad, ang iniisip na ng marami eh, may magagamit at magagamit sa nasabing scenario.

At ‘yun ang isang bagay na inusisa kay KC Concepcion sa presscon para sa pelikula nila ni Sam Milby sa Star Cinema, ang Forever and A Day.

“Totally, hiwalay po ang pelikula namin sa relationship namin ni PJ (Piolo). ‘Yung kuwento po namin ni Sam goes a way back. Dahil may three years na rin kaming magkaibigan. Kaya, wala ring masasabing magkaka-develop-an or something kaya I refuse to answer that question. But because Sam and I are really close, I can already say na ‘yung friendship namin will be for keeps na talaga.”

Nang sumalang naman si KC sa E-Live noong Sabado, inulit sa kanya ang tanong sa mga kumalat na bali-balitang diumano’y break na sila ni Piolo. Na siya namang naging dugtong sa mga usap-usapang ginagamit ito para sa promo ng pelikula na nilinaw na niya.

Simple lang ang sagot ni KC.

“Siya na lang ang tanungin n’yo! Ayoko na ng paulit-ulit,” sagot naman nito kina Luis (Manzano) at Nikki (Gil).

Kaya, kung mapapansin na pumayat at numipis ang tiyan ni KC sa pelikula, dahil daw ‘yun sa (Direk) Cathy (Garcia) diet niya. Where in just three to four weeks eh, bumaba na ang kanyang timbang at nawala ang sixteen pounds. Sa nasabing presscon din nasabi ni KC na nakapag-open up siya sa maraming bagay sa bago niyang pinasasalamatang director.

Ilan pa sa magagandang sinambit ni KC pagdating sa pakikipag-relasyon na natutunan na niya sa mahabang panahon eh, ‘yung hindi raw siya papayag sa isang relasyon na half-baked lang.

“Lahat tayo may mga differences and fears pagdating sa commitments. Iba ang mga priorities. But in the end, what counts is how much we are willing to give, more than receive. Alam mo na kung kelan ka magbibigay o hindi magbibigay. Me, I have no regrets. It could be my formula in loving, na it’s more about giving. Sana lang, patas.”

The Pillar
by Pilar Mateo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.