Bianca King has found career in directing

NOONG MARTES, NASAKSIHAN namin ang paggawa ng isang music video mula sa saliw ng kanta ng isang  baguhang singer na mina-manage ng dating Hale frontman na si Champ Lui Pio. Ayon pa kay Champ, kung si Usher daw ay may Justin Bieber, siya naman daw ay may talent din, si Rez Toledo ng Somedaydream.

Pinagawan ng music video ni Champ ang kantang unti-unti nang sumisikat ngayon ng kanyang alaga, ang Hey Daydreamer, at siyempre ang director ng nasabing video ay ang girlfriend niyang si Bianca King. Star-studded ang naturang music video dahil bukod kay Bianca na nagdirek nito, kasama rin sa powerhouse staff sina Bubbles Paraiso (make-up) at Rhian Ramos bilang stylist. Bida sa video si Jasmine Curtis.

Very cool si Bianca as director nang aming nadatnan at metikulosa siya sa kanyang mga shots, ilaw pati na mga anggulo ng kanyang mga talents. Pa-ngatlong music video na raw ito na kanyang idinirek pero inamin niyang wala siyang pipiliin between pag-aartista at pagdi-direk dahil ini-enjoy niya pareho.

So, abangan na lamang natin ang paglabas ng naturang music video.

SA LAUNCH NIYA bilang isa sa mga endorser ng isang pamosong clothing line, inamin ni Akihiro Sato na busy siya sa iba’t ibang proyekto hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa. Medyo gumaganda na rin daw ang kanyang Pananagalog dahil pinag-aralan daw niya talaga ang pagsasalita ng wikang Pilipino.

Sa tanong kung naapektuhan ba siya sa pagdami ng mga Brapanese models sa bansa, sinagot niyang hindi naman daw dahil magkakaibigan silang lahat. May bago raw siyang proyekto sa GMA, pero pinili niyang huwag munang pag-usapan ito.

Ngayon daw ay abala sila kasama nang tatlo pang mga Brazilians sa pag-eensayo sa pagkanta dahil daw gagawa sila ng all-male singing group. At in fairness ha, noong hiningan namin ang guwapong modelo ng kaunting linya sa isang awitin, maayos niya itong nakanta. May ipinagmamalaking boses pala itong si Akihiro, bukod sa pagiging yummy at guwapo.

BLIND ITEM: NAKAKATUWA ang kuwento ng isang taong nakausap namin sa isang event. Dati raw, magkasama ang isang sikat na personalidad na lalaki at isang mayamang negosyanteng babae sa isang magandang condo. ‘Minahal’ ng girl si boy kaya naman binigyan niya ito ng matatawag nating karangyaan sa buhay. Dahil solido na ang kanilang pagsasama, nagregalo si girl ng isang mamahaling aso na itinuturing nilang ‘anak-anakan’ at parang ito na ang nagsisilbing kasama nila sa kanilang magandang tirahan.

Isang araw, naloka si girl at hindi na niya nakita ang mamahaling aso sa kanilang condo. Nang tanungin niya si boy, ang alibi nito ay nawala raw at ninakaw. Nagtaka si girl paano raw ba ito manakaw eh, nasa loob lamang ito ng kanilang bahay? Isang araw, may nagkuwento kay girl na ang aso daw na kanyang hina-hanap ay nakita niya sa kapatid noong lalaki. Ipinang-regalo raw ito ni boy noong birthday ng kapatid niya. Nang usisain ni girl si boy, ang sagot daw nito ay binili niya ‘yun at kamukha lang daw.

Tutok lagi sa Juicy, daily (10 am), TV5; Paparazzi, Sundays, 4 PM, TV5; at sa Cristy Ferminute, daily, 4 to 6 PM, Radyo Singko, 92.3 newsFM at Aksyon TV Channel 41.

Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.