Bianca King, daig pa ang mal-edukada?!

MINSAN NANG namuro si Bianca King sa isang respetadong male TV host nang soplahin niya ito when asked about a little bit of info tungkol sa kanyang personal na buhay.

Supposedly, promo naman talaga ‘yon ng upcoming show ni Bianca, but what better way to spice up the interview than to inject something personal para hindi naman ‘yon hard sell? But instead of riding along, ang mala-sarcastic na sagot ni Bianca, “I came here to promote my show.”

Then so be it. Nagmarka ‘yon sa isip ng TV host assigned to interview her. Pero bilib din kami sa pagiging disimulado ng TV host sa kanyang paraan ng “pagganti”. When finally each of the cast members was to invite the viewers ang nalalapit na pag-ere ng naturang show ay nilaktawan niya si Bianca.

Mukhang ang salitang “sarcasm” ay second skin na ni Bianca. Just recently, a program staff swooped down on her para iklaro ang isang Instagram photo showing a certain Julio Villafuerte kissing her. Si Bianca nga ba o ang lalakeng ‘yon ang nag-post ng larawan? Manliligaw ba ‘yon ni Bianca?

Whatever. Reportedly, Bianca’s reaction—as expected—was way off. Umiral na naman daw ang pagmamaasim ng hitad.

Nakapagtataka lang, edukada si Bianca but her sarcastic ways—lalo’t nasa mundo siya ng showbiz kung saan ultimo menudensiya ng isang artista ay kinakalkal—do not speak well of her academic background.

Bianca’s name may be royal, pero starlet pa rin siya.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

6 thoughts on “Bianca King, daig pa ang mal-edukada?!

  1. well i am a solid kapamilya but i must say mas mal edukado yung writer na si carrasco at yung male tv host! the point na andun kaya sya sa show na yun is to promote a show wherein she’s in! at valid yung pagtataray nya! why would tht stupid host would ask her personal questions na wala naman kinalaman sa mga kasama nya at sa show na pinopromote nila! the stupid host deserved what he got! parang ricky lo v2.0 ang nangyari mga irrelevant na questions tinatanung pa! kaya nasosopla! at to you carrasco! anung kalseng writer ka kung magsiside ka pa sa kamalian ng bobong tv host nyo dyan sa me kamuning! shame!!!

  2. Ganon yata pag bitter ka sa mundo, ganon ang lalabas sa bibig mo. Kumbaga may bahid ng galit kahit papano. Di katulad pag totoong positive ang aura ng isang tao kahit anong topic ay smooth lang ang dating if not charming talaga.

    • Korek ka jan Mariano Rivero. Halatado naman pag peke ang bumpers ng babae dahil ibang-iba ang natural na umbok kesa sinilicone. Lol!

      • Fake boobs pala yan, wow, ang galing nyo, hindi ko yan alam na fake pala.  Silicone? Saline? or Gummy Bears?  Ano kaya yon.  Gummy Bear implants are also FDA approved in the US.  Sino na lang ba ang natural sa Pinoy showbiz?  Halos lahat may pinaayos na, be it the nose, lips, chin, boobs, butt, lipo suction here and there.  Sabagay, you have to catch up with the trend kasi daming nagsulputan na mga bata at maganda at mga natural pa.  

Leave a Reply

Your email address will not be published.