Bianca King at Dennis Trillo, ini-enjoy lang ang isa’t isa!

OPEN SECRET ang relasyong Vic Sotto at Pauleen Luna kahit never silang umamin sa tunay nilang relasyon. Madalas ngang biruin ang dalawa sa Eat, Bulaga! Inamin naman nila nagdi-date sila at kung minsan hinahatid ng komedyante ang dalaga sa  bahay nito. Ilang beses na ngang nakita si Vic sa bahay ng TV-host/ actress.

Kilala kung gaano ka-tinik sa babae itong si Vic. Pabata nang pabata ang nagiging dyowa nito. Kung tutuusin nga, parang anak na lang niya si Pauleen (23 years old). Well, hindi sukatan ang edad pagdating sa pag-ibig, walang bata o matanda. Ang importante, mahal ninyo ang isa’t isa. Seryoso kung makipag-relasyon ang magaling na komedyante pero takot itong magpakasal uli. Hindi ba’t umasa sa wala si Pia Guanio kaya’t nakipaghiwalay ito kay Vic? Ngayon kasal na siya sa negosyanteng si Steve Mago. Matutupad na ang pangarap ng lady TV host na magkaroon ng sariling pamilya.

Sa relasyon ngayon nina Vic at Pauleen, huwag umasa ang dalaga na pakakasalan siya ng komedyante. Willing kayang maghintay ang actress kung kailan siya yayayain nito ng kasal? Tipong walang balak uling magpakasal ang TV host/ comedian. Ewan lang natin, hindi natin masabi kung hanggang kailan tatagal ang love relationship nilang dalawa. Teka, mamahaling regalo (signature bag) pala ang ibinigay ni Vic kay Pauleen nitong Pasko. Anong brand kaya ito?

 

KAHIT MAGKA-RELASYON na sina Dennis Trillo at Bianca King, pilit pa rin nilang inililihim sa publiko. Ayon sa actor, walang serious relationship na namamagitan sa kanila ng dalaga. Ini-enjoy nila ang isa’t isa, kung dumating daw sa point na maging sila, walang magiging problema. “Sobrang bait at maaalalahanin si Bianca. We’re very close at lumalabas kami,” simpleng tugon ng aktor.

Ayon kay Dennis, hindi gaanong naging masaya ang nakaraang Pasko niya dahil nasa abroad si Bianca para bisitahin ang pamilya. Masaya na rin siya kapiling ang kanyang pamilya. Inamin ng aktor na extremely close sila ni Bianca bilang magkaibigan. Magkaibigan na nagkakaibigan kaya ang ibig niyang sabihin? Maaga pa siguro para aminin nila ang real score sa kanilang dalawa. Hayaan muna natin sila sa sinasabi nilang friendship. Eventually, aaminin din nila ang kung anong level na ang kanilang relationship.

Nagkaayos na ang dating magka-relasyong Dennis at Jennylyn Mercado. Parang nabunutan ng tinik ang binata sa pagbabati nila ng aktres. Nawala na ‘yung bigat sa kanyang dibdib at nagkapatawaran na silang dalawa. Ilibing na lang sa limot ang hindi magagandang bagay na nangyari sa kanila. Pareho na silang may kanya-kanyang ka-relasyon. Maligaya ngayon si Jenny sa piling ni Luis Manzano kahit wala pang pormal na pag-amin sa kanilang dalawa.

Sa pagbabati nina Dennis at Jennylyn, marami ang natuwa dahil magkakaroon na sila pareho ng peace of mind. Diretso na silang makaka-move on at haharapin ang panibagong pagsubok sa tawag ng pag-ibig. Nawa’y maging masaya’t maligaya sila sa kani-kanilang minamahal.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

5 thoughts on “Bianca King at Dennis Trillo, ini-enjoy lang ang isa’t isa!

  1. ay naku bianca kahit asar ako sayo advice ko lng huwag na huwag kng magkakamali dyan kay dennis….di ka ba nagbabasa nang diaryo or kaibigan man lng?walang hiya iyan bansot na yan..ang pandak na yan maliit na ang buto nananakit pa nang babae…swerte pa nga nya maynagpapauto pa sa kanya..tapos sasaktan pa nya…tado talaga yan si bansot dennis.

  2. Bianca King at Dennis Trillo? Kawawa lang c Bianca ke Dennis, eh prang sampayan magpalit ng babae yn eh no.To think n ang gaganda na ng naging jowa nyan

  3. Pingback: Bianca King at Dennis Trillo, ini-enjoy lang ang isa’t isa! - Vic Sotto 2013 Elections

Leave a Reply

Your email address will not be published.