Bianca King at Champ, spotted sa Bora!

Magkasamang naispatan ng kamerang-gala ang Kapuso Star na si  Bianca King at Champ Lui Po, vocalist ng bandang Hale noong Setyembre 11, 2010 sa D’Mall Talipapa sa Boracay. Matatandaang nagsimulang maging close ang dalawa at nauwi sa isang relasyon ang kanilang pagkakaibigan noong 2007. Ilang fans din ang nagsabing kaya nawala sa ere ang bandang Hale ay dahil sa pagsasama ng dalawa.

Nitong taon naman sa isang interview kay Champ, nabanggit ntong matagal na rin daw niyang hindi nakikita si Bianca. Ano na kaya ang estado ng relasyon nina Bianca at Champ? ‘Sing init pa rin kaya ng panahon ang namamagitan sa kanila o ‘sing lamig na ng ice cream? Going strong ba, o going out of town na lang ang kanilang pagsasama?!

Hulicam
Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.