Bianca Gonzalez, pinigil sa airport ng proposal ni JC Intal

Bianca-Gonzalez-JC-IntalUSONG-USO NA yata ang mag-propose in public, ‘no?

Isa sa remarkable ay si Aiza Seguerra na nag-propose sa dyowang girl na si Liza Diño during her show. Tapos, ang latest naman ay si Bianca Gonzalez sa airport kung saan papunta sana siya ng London, pero inawat muna ng syotang si JC Intal at lumuhod ito’t nag-“Will you marry me?” kaya naiyak naman ang lola n’yo’t nag-kiss at hug sila.

Ang sweet naman.

Ilan na rin ang nakikita naming during the basketball game at volleyball game, merong mga non-showbiz na gusto lang ipagsigawan sa buong mundo kung gaano niya kamahal ang babaeng kasama niya, kaya meron pang media coverage, hahaha! That’s love!

 

MATAGAL-TAGAL DIN naming nakausap sa celfone si Karla Estrada at ang babaeng ito ay hindi talaga binabago ng panahon. Talagang katawan lang niya ang nagbago ng size at timbang, pero hindi ang pag-uugali at pakikipagkaibigan.

Siyempre, hindi na namin puwedeng itsika sa inyo kung ano ang mga pinag-uusapan namin, dahil pang-“That’s Entertainment” lang ang peg naming dalawang baklaan lang nang baklaan pero in a mature way.

Kaya ang ending, “Halika nga’t labas tayo’t magtsikahan, mare. Nami-miss ko ang mga ganyang tsikahan!”

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.