BIANCA GONZALES, NAGHIHINTAY PA RIN KAY MR. RIGHT!

WALANG CELEBRATION DAW na nangyari kaugnay ng birthday ni Bianca Gonzales nitong March 11. Nataon kasi na sa mismong araw pa ng kanyang kapanganakan niyanig ng malakas na lindol ang Japan na sinundan pa ng sobrang mapaminsalang tsunami.

“Buong araw nasa bahay lang ako,” sabi ng dalaga sa amin nang mapasyal kami sa live airing ng SNN recently. “I ate lang ng lunch with my Mom.  And then, nanood lang ako ng CNN news buong araw.”

Kumusta sila ng nali-link sa kanya ngayon na si JP Intal, ang ex-boyfriend ni Carla Abellana?

“Ah, we had lunch together with my Mom sa mall lang, kasama siya. We had lunch lang tapos umuwi na ako ng bahay. Ako kasi kapag birthday ko, eversince dati, hindi ako nagpapa-party o nagpapa-event. Gano’n. Gusto ko lang talaga, I spent it with my family.”

Ano ang birthday gift sa kanya ni JP?

“Surprise!” nangiting sambit ni Bianca. “Basta he gave me something nice for my room lang,” aniya pa na hindi na ini-specify kung ano ‘yong regalong ibinigay sa kanya ng nasabing guy.

So, steady na ba sila o nasa dramang getting to know each other stage pa rin?

“Gano’n pa rin. Hindi talaga, totoo na kami na.”

Hindi ba siya kinukulit nito?

“Hindi ako nagpapakulit! Oo. Hahaha! ‘Yun ‘yon.”

Na-interview niya kamakailan for SNN ang kaibigan niyang si Mariel Rodriguez at ang napangasawa nito na si Robin Padilla. Hindi ba siya parang naiinggit sa happiness na pinagsasaluhan ngayon ng dalawa as husband and wife para maisip na it’s about time na magkaroon ulit siya ng lovelife?

“Hindi ako naiinggit. I’m happy for them. At saka, katulad nu’ng kay Mariel, parang dumating lang, eh. So alam ko, darating din lang ‘yon sa akin. Si Mariel, hindi naman niya ini-expect na darating si Robin sa buhay niya. So alam kong kung nakatakda ‘yon, darating talaga.”

Maaaring dumating na nga ito sa kanya sa katauhan ni JP, kaya lang, siguro’y kinikilatis muna niyang mabuti kaya hindi pa niya sinasagot. Obviously naman, ito ang pinaka-close na guy sa kanya ngayon na madalas din nga niyang nakakasama.

O, puwede ring gaya ng ibang showbiz couple, nagkakamabutihan na nga sila kaya lang ay hindi pa sila handang umamim. ‘Yun na!

SA IKALAWANG PAGKAKATAON, muling naghiwalay bilang ma-nager at talent sina Ronnie Liang at ang discoverer at mentor niyang si George Rocha. Kung sa una, walang gaanong isyu, itong pangalawa ay tadtad ng intriga. Unang-una na raw na naging problema ay ang usapin tungkol sa pera.

Nadiskubre umano ni Ronnie na hinohokus-pokus ng kanyang ma-nager ang kanyang finances. Gaya halimbawa sa mga shows, humi-hingi siya ng kopya ng mga kontrata, wala naman daw ipinapakita sa kanya si George. Wala rin daw nga itong maibigay na voucher tungkol sa mga nagiging TF niya.

Pero ang pinakamasaklap daw, nang lumala na ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan nila nang malaman ng kanyang manager na may girlfriend siya, umabot sa puntong mismong ito raw ang naninira sa kanya gaya ng naunang banta na nito sa kanya. Lalo raw ngayon na nasa poder na si Ronnie ng bagong manager niyang si Noel Ferrer.

Kung bakit nagagawa ito ng ma-nager niya sa kanya, siguro umano’y dahil na-obsessed ito sa kanya.   Gano’n  pa  man,  handa  umanong harapin ni Ronnie ang kung anupamang mga gulong mangyayari kaugnay ng sigalot sa pagitan nila ng dati niyang manager.

Kapansin-pansin ang biglang pagpayat ni Ronnie. Pero hindi raw ito dahil sa gulo sa pagitan nila ngayon ni George. Talaga raw nag-diet siya. Na mukhang napasobra dahil mukha na siyang maysakit.

Hindi na raw niya hahabulin pa ‘yung mga perang dapat ay makukuha pa sana niya sa kanyang former manager. Kaya pa naman daw niyang kitain pa ulit iyon. Ang mas importante umano ay nakakawala na siya rito. Kung magpatuloy man daw ito ng paninira sa kanya, hindi na raw siya apektado pa. Basta nasabi umano niya ang kanyang panig na pinaninindigan niyang siyang totoong kuwento sa isyu sa kanila ni George. Ganyan?

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

7 thoughts on “BIANCA GONZALES, NAGHIHINTAY PA RIN KAY MR. RIGHT!

  1. Hi,

    Sana maipaabot nyo ang message ko para kay bianca gonzalez. Di ko kasi alam ang website nya. Anyway, I’m bianca’s one avid fan. I love her as a host. Galing talaga especially sa SNN (I watch it everyday). She is very straightforward, hindi OA, walang kyimi mag host. Nadismaya nga ako when Bianca is not one of the Buzz hosts.

    Gusto ko lang maipaabot kay Bianca ang kinaiinisan ko. Yong designer ng dress or her looks every night sa SNN at sa iba pang nyang TV appearances ever since. The worst personal designer ever talaga for Bianca. Siguro nahihiya ang iba magsabi sa kanya kasi baka ma offend si Bianca. But ever since I followed Bianca on TV, nakakalungkot isipin na ang pangit talaga ng mga isinusuot nya. Hindi talaga bagay sa kanya. 

    Ok na lang sana kasi fan nya ako. Pero the SNN episode this June 30, 2011 with Mariel, di ko na kaya talaga. Beside mariel in this episode, her personal dress designer made her look like a manang. Obviously, she looks younger than Mariel, but Mariel looks alluring and simply sexy. While my idol Bianca looked so “manang” in her outfit. Not to mention in all her outfits before then. I hate it. Please tell Bianca to change a designer that would make her look even younger and more beautiful. Gosh! I do hate how she looks in her outfits everyday at SNN. Naiinis ako hindi kay Bianca but to whoever that personal designer of hers who make her look this way.

    Please please Bianca look how Mariel, or Lorna Tolentino or Ann Curtis, or Bea Alonso, or even KC dress themselves. You are better than them in hosting believe me. But somehow the way you look with your outfits makes you look older and mediocre.

    Sana hwag masamain ni Bianca ang comments na to but consider it a very constructive comment. I hope and I truly wish that in the next episode of SNN, that is tomorrow, July 1, Bianca will look better na! Love you Bianca.

    Your number one fan in Mindanao,

    Don

  2. usually in need ng cash, nasanay kasi sa extravagant lifestyle kaya kahit malaki na kita sa PBA minsan hindi pa rin enough. yan namang mga yan college pa lang nagsimula na so madaling balikan ang pagpapabooking. easy money naman yun noh, biruin mo wala silang gagawin, hihiga at pipikit lang sila, at least 10K na agad ang kita!

  3. Salamat KooKoo sa sagot mo, bakit ba nagpabooking pa sila?, dami na yata nila ng pera at ang laki ng mga kita nila sa pagiging athlete nila.

  4. di yan nababasa sa magazines gurl. rich ako na baklita kaya maraming bugaloo na naglalako sakin ng kanilang mga talents ever since. ;)

    kung may rich gay friends ka ask mo sila, i’m sure knows nila kung sinu sinong basketball players ang pabooking. UAAP, NCAA, PBL, PBA, you name it. super dami.

  5. Hay naku bianca wag mo ang patulan yang si JC! certified pabooking yan sa mga vaklush noh! hindi ba nakakadiri yon ang notang hahawakan mo dumaan muna sa ilang dosenang bading? eeewww!!!! pero kung sabagay, Si Kris Aquino nga natanggap ang pagiging dating pabooking ni James Yap, ikaw pa kaya? Follow your heart na lang gurl!

    • KooKoo totoo ba yong sinabi mo na nagpabooking si JC at pati rin si James Yap? Saan mo nabasa ito, hindi ko yata ito nabasa ah. Saang magazine mo ito nabasa?

Leave a Reply

Your email address will not be published.