Bianca Gonzales, baduy manamit – Cristy Fermin

NU’NG ISANG GABI ay ginawang pulutan sa isang umpukan ng mga taga-showbiz ang tatlong hosts ng Pinoy Big Brother Double-Up na sina Mariel Rodriguez, Bianca Gonzales at Toni Gonzaga.

Dinisenyo naman talaga para sa reality show ng Dos ang tatlo dahil magagaling silang magsalita, nakaka-adlib sila kung may kailangan silang saluhin, bukod pa sa masarap manood ng isang show na magaganda ang hosts.

Panahon ‘yun ng tilaran at tadtaran, isa-isang sumailalim ang tatlong hosts sa ebaluwasyon ng nasa umpukan, ang unang ginawang pulutan ay si Mariel Rodriguez.

Maraming nakikikayan sa istilo ng hosting ni Mariel, pero ang punto naman ng ibang nandu’n, sa isang programang nagseseryoso ang karamihan ay kailangan talaga ng isang kikay-kikay na tulad ni Mariel.

Si Toni Gonzaga ang isinunod, halatadong walang kontra sa klase ng hosting ng dalaga, puro papuri pa nga ang maririnig patungkol kay Toni dahil puwede siyang pakawalang mag-isa.

“Napanood ko siyang mag-host nu’ng minsan, wala pala siyang idiot board? Basta ibinigay lang sa kanya ng writer ng show ang mahahalagang pointers, tango lang siya nang tango, pero nu’ng mag-umpisa na siyang humarap sa mga camera, daig pa niya ang may binabasa!

Kakambal na talaga ni Toni ang camera at ang microphone. Magaling siya talaga, kaya sa sobrang galing niyang magsalita, ang aabangan mo na lang talaga sa kanya, e, ang pagba-buckle na very seldom namang mangyari!” papuri nito kay Toni Gonzaga.

At magandang magdala ng damit ang girlfriend ni Direk Paul Soriano. Palibhasa’y payat, kahit yata pinagbuhol-buhol na tela lang ang ipasuot sa kanya ay nagmumukha nang elegante ‘yun.

Ang huling inatado ng grupo ay si Bianca Gonzales. Marami ang nagagandahan sa morenang dalaga, nababaitan din ang mga nandu’n sa kanya.

Pero may mga hindi kagandahang pagpansin ang mga nandu’n kay Bianca, lalo na sa pananamit. Nagmumukha raw tuloy siyang dama ng dalawang reyna.

“Nu’ng minsan, para siyang lamok na nakakulambo, ang ganda-ganda ng porma nina Toni at Mariel, pero si Bianca, naka-dress na parang may kulambo sa bandang laylayan niya. Ano ba naman ‘yun?

“May hindi maganda sa katawan niya, hindi ko lang matumbok kung ano ‘yun, kaya kahit anong damit ang isuot niya, parang hindi bagay, parang baduy ang dating niya.

“Sana, makipag-usap siya sa isang designer na magaling, ‘yung alam ang dapat gawin sa kanya para naman hindi siya masyadong nalalayo sa dalawang kasama niya,” payo ng isang nasa umpukan.

Pero in fairness, sa tatlong dalaga ay nag-aagawan sa unang puwesto sina Mariel at Bianca sa pagiging ma-PR, masyado sigurong abala si Toni sa dami ng kanyang trabaho, kaya halos wala na siyang panahon sa pakikipagkapwa-tao.

INAALIHAN na naman yata ng kung ano si Rosanna Roces, kaya ganu’n na lang kung pagtripan niya ngayon sina Senador Bong Revilla at Lani Mercado. Kunsabagay ay hindi na naman bago ito, matagal na niyang inuupakan ang mag-asawang wala namang ginagawang masama sa kanya. Ang tanong lang ay ano na naman kaya ang nakain ng taong ito at naging abala na naman siya sa paninira sa mga Revilla?

Sa kanyang Facebook ay kung anu-anong pang-uupak sa mag-asawa ang inilalagay niya, kaya ang komento naman ng mga nakakausap namin, “Mabuti pa nga ang book at may face, si Rosanna, wala!”

Isa lang ang ibig sabihin nito, ang mga tao talagang walang ginagawa at magawa sa buhay ay kung anu-ano ang nagagawang hindi kaaya-aya, tulad ni Osang na napakahaba ng panahong nakatanghod lang siya kaya panay ang bira sa mga taong abalang-abala.

Cristy Per Minute
by Cristy Fermin

loading...

43 thoughts on “Bianca Gonzales, baduy manamit – Cristy Fermin

  1. SOBRA NMN KAU MANG_LAIT??IDOL KO C BIANCA….QNG BADUY CIA…EH ANU NMN NGAUN???PAKI Q???BASTA ANG ALAM Q MABAIT CIANG TAO AT WALANG INAAPAKAN…..GANUN LANG KSIMPLY UN……………

  2. kakaloka mga tao dito huh! ang lalakas mamintas lalo na yang si cristy fermin na tomboy na iyan! pwe! wala na kasi career kaya kung ano2 na lng mga sinusulat na paninira sa kapwa nya! get a life!

  3. CRISTY FERMIN ….PERA NA LANG BA ANG MAHALAGA???
    Share
    Yesterday at 8:05pm | Edit Note | Delete

    Magmula nung magbuntis ang anak ko eh naging nag iisang tagapagtanggol ko ang taong to. ika nga nya..ANAK PAG IKAW ANG BINIBIRA PARA AKONG PIGSA..DI KA PA KINAKANTI , PUMUPUTOK NA! . Pati hanggang sa pinakakatago kong sekreto…papeles ..mga dokumento na mahalaga sa aking buhay ay sa kanya ko pinatago nung kasagsagan ng hiwalayan namin mag asawa. Kasal kasi si tito sa iba at ako pa ang nag pa annul nun. ang papeles na ito at ang papepeles ng null and void na kasal ko ay nasa kanya pa hanggang ngayon. Sukdulan ang galit nga nun lalo na ke lani. i ku qoute ko sya ” ang galit ko dyan parang pinanganak ako na galit na kaluluwa ko dyan!” ganun katindi. Hanggang sa birahin nya ng todo ang mag asawa nung malaman nito na ang sinabi yata ni bong sa byenan ni Ynah eh..iwasan mo ang mga reporter na yan..ka kwartahan ka lang nyan! matinding upakan yun…film festival ng paninira ni Cristy at mga ka kulto nito ang pagbira sa mag anak. masid masid lang ako. Hanggang isang araw na ospital ang kanyang ina. Nagpakumbabang pumunta si lani at nagkapatawaran ( o nagkabayaran) kuno.

    Ngayon ako naman tinitira nya??? anu na naman ba???? pinipitik mo nam naman ang mga anak anak mo pag mali sila?? yan lagi mong palusot..pero minsan dagok na ginagawa mo eh! at dios lang maaring pumitik sa tao pag nagkakamali sila.

    Matagal tagal mo din akong binira sa mga paratang bna di mo man lang inalam kung totoo o hindi. pero keber.. NUNG BINASURA KA NG DOS…..SINO NAGPUNTA AGAD SA YO NA PARA BANG WALANG NANGYARI.. di ba ako?? nag pose pa ko sa gallery mo ng nude kahit ayaw ko sabay abot mo ng 20k? ok lang yun ganun naman tayo sa showbiz tulungan…Pero akala ko di nababayaran ang prinsipyo mo. Sabi mo nga..di baleng walang makain..Basta ang tao me RESPETO SA YO.

    AKala ko nun bugso lang ng galit mo ke nadia montenegro ang nag udyok para sabihin mo ang ang katagang.. KUNG NAGING ANAK KITA..SANGGOL KA PA LANG PINISIL KO NA ILONG MO NG DI KA NA MABUHAY! hindi pala. peke pala lahat ng pinakita mo sa amin ng mga bata. wala kang pahalaga sa nararamdaman ko bilang lola…gayung lola ka na rin. at ok lang sa yo na makitang nanununtok si budoy kesa mangulot?? katwiran ba yun ng matinong tao…eh kung nagkataon yung apo mo sinapak ni budoy..malamng magagalit ka sa makikita mo. Dahil alam mo namang di ganun yung bata.

    at least ikaw na rin nagturo sa kin nito..ang maging boses..ang madinig ng masa ang hinaing sa papamagitan ng kalayaan sa pagsusulat. Maaring wala akong peryodikong pinagsusulatan. pero mas makapangyarihan ang blog tandaan mo yan ..Yan ang nagpatalsik sa yo. yun nga lang di sila attack and collect. Magkano po ba ang halaga ng bawat takatak ng makinilya mo??? bigla kayang mawala ang apo mo sa yo?? baka maloka ka?? wala ka ng trabaho mawawala pa ang inspirasyon mong mabuhay at maghanap nuhay. ayoko namang magalit sa yo… kasi sa inaraw araw na ginawa ng dios..eh sapat na ang bawat mga komentong nagtataglay ng higit pa sa pagdura sa mukha mo ang nababasa ko sa bawat isulat mo.

    Minsan hindi porke nakatatanda ka tama ka……konting pagpitak ng ilang mapanirang salita di mo alam..maraming kalooban ang sumama. at ikaw ang magdadala nun. ANG BUHAY TANDAAN MO WALANG KATAPUSANG PAG AARAL AT PAKIKIBAKA ..WAG KA MAKUNTENTO SA SALAPI…IBA PA RIN ANG NAGAGAWA NG “PAKIKISAMA” .

    • Korek ka dyan Ms. Osang…pera-pera lang yan.Para syang langaw, kung saaan merong” makakain” doon dumadapo.Don’t worry. Her credibility is -0% .Sayad na sayad na.Binabasa lang sinusulat nya, but that doesn’t mean we believe what ever comes out to her filthy mouth.I am one of those who signed that petition na palayasin yan sa The Buzz….LOL.

  4. si mariel ay oa talagang mag host..ginagaya niya iyong kaartehan ni kris aquino..iyong boses nila parang pinupunit na yero..pramis, lol

  5. Napansin ko rin… dati parang guardian angel ni Osang Roces itong si Cristy F. …bakit ngayon biglang kambyo siya at naging tagapagtanggol bigla nina Bong at Lani Revilla. WHY? at ito namang si BIanca, noon ko pa napapnsin na kahit anong isuot nga naman nya parang laging pangit tingnan. There’s something wrong with her na hindi mo lang malaman kung ano. Dapat kumuha sya ng stylist nya. At si TONI G. Idol! Napakaganda nya at di naman suplada…minsan nagshow siya sa lugar namin accomodating naman at alam mong sincere di katulad ni piolo pagkatapos ng show sumakay na sa sasakyan nya at pinasibat na di man lang kumaway sa mga nag aabang sa daan. Para syang may ka eyeball sa pagmamadali.

  6. Dati panay tira ni Cristy kay Bong at Lanie, nung nabigyan na ng kwarta si Cristy biglang naging abogado na sya agad ng mga Revilla..

  7. Can you please don’t post Tiago’s, because his words are inappropriate and irritating, his mouth is like septic tank

  8. Can you please don’t post Tiago’s, because he’s words are inappropriate and irritating, his mouth is like septic tank

  9. Tiagong akyat, you should stick to the issue, this is not about the writer, ngayon if you hate and doesn’t like her, why are you wasting your time reading her article. Tao ka ni Kris at bayaran? If you make comments, it has to do with the article. Avoid using foul languages, obvious naman na you lack breeding and no fear of GOD

  10. alam mo kung ano ang pangit kay bianca sa katawan nya? wala kasing boobs, sobrang liit ang baywang,malaki ang balakang at ung paa nya mataba at ung binti nya may muscle kaya kahit anong suotin nya di bagay! pag tumayo siya parang nagiging letter S sya! (nakalimutan ko kasi ung tagalog kung anong tawag dyan!) kayo na ang mag imagine!!!

  11. I don’t like Mariel. Social climber with no class. Pa cute na hindi naman cute. Ginagaya si Kris Aquino at hinahalikan ang puwet ni Kris para lang mapabilang siya sa social circle ni Kris Aquino, kaya magaling magsuplada sa iba. Naninigaw pa nga nang production staff nang Wowowee. Pero out of place siya, maski ano ang gawin. Sipsip bu . . .ang tawag dito. Laging paos. Baka masira ang lalamunan niya sa pagiging chain smoker. Ingat lang. Sana, si Lara Quigaman na lang ang kinuha sa PBB. Mabigyan naman nang class act . Si Mariel, bagay ksama si Pokwang. Comedy Bar and dating.

  12. Out of the three, I like Toni the most. We went to see her show in Cache Creek, CA. She is very nice and accomodating to everyone. She exudes an air of elegance and class. And she is a very good host. If one has to replace Kris Aquino, Toni is my number one pick. Bianca is not one of those that probably is very concerned about her looks. Simple lang siya. Hindi mahilig sa pagpapaganda. Pero, ngayon, parang medyo nahahawa na rin kay Mariel. Medyo nagpapa kikay na rin siya. Sa lahat nang kinaiinisan ko, siyempre si Mariel. Masyadong pa class kung umarte, pero ang labas naman hindi sosyal. She looks more like a Social Climber. She’s trying so hard to look classy and ends up looking cheap. Gaya nang sabi nang iba, mas nagmumukhang comedy bar and shows niya kaysa sa hosting.
    Anyway, this is my opinion ang no one can change that.

    • Just one more thing, I love watching Toni Gonzaga in Precious Hearts Romances, ALNSA. I step on that accelerator and try to beat the traffic after work just to catch her show. It is nerve wrecking but is worth the hassle. PHR ALNSA will be ending soon. I hope that she gets another show. She makes us all laugh and cry with her. ABS-CBN, how about another show for Toni?

  13. si Toni magaling ag host pero napapagahalata ang ka supladitahan sa stage minsan ang mahalaga aral nya sinasabi nya.

    Si bianca overated akala mo nagtatalitalinuhan eh pa cute lang naman. alam mo yun walang sincerity sa sinasabi no wonder close sila ni Mariel mariel is cute pero OA na kung minsan aminado naman syang OA sya. hehe. kaya lang medyo nag iba ang beauty nya nag nagpapayat say at napa gawa ng ilong…

    • sa pbb pikang pika na ako kay mariel at bianca, ngawa ng ngawa sa kanilang update. akala mo mga teenager na magsalita e ang tatanda na. sayang lang. bakit pinababayaang magkalat ang dalawng ito. mas matino ang portion ni toni, walang masyadong salita pero may substance ang dating. sana alisin na lang ni big brother ang uplate at uber ng dalawnang hitad, nakakainis lang lalo na si mariel, maghapon ng ngawa ng ngawa simula sa wowowee at si bianca simula na sa tfc connect. mga plastic.

  14. HOsting ba tawag sa ginagawa ni Mariel? Lam ko kse tili lng ginagawa nia at pagpapacute…feeling ata nia carry nia ung style ng kaartehan ni Ruffa G & Kris A. Masyado atang abala c Boy Abunda at hindi nia napupuna ung pagkakalat ng alaga nia..Bukod don baduy pa, c Bianco khit minsan sablay sa pananamit eh pagdting nman sa Hosting eh panalo, may essence ang mga binibitawang salita unlike Marielle na nalipat lng sa Dos eh gs2 na daigin c Pokwan sa pagka-komedyante.

    • I agree. Nagkukunwari at nagtatanga tangahan if she is put on the spot. Pero tingin ko, talagang tanga. Pa class at sunod nang sunod kay Kris Aquino na pa sosyal pero mukha namang cheap. May kapit kasi sa isang executive, kagaya nang boyfriend niya na hawak nang isang ABS-CBN exec. Di ba Deo?

  15. Grabe, IDOL ko talaga si Toni G. pagdating sa hosting. THE BESTTTT!!! Wala akong negative na masasabi. Pati ang expression ng mga mata nya, akmang akma, parang laging kinakausap ang mga tao through her eyes.

    Si MARIEL, ewan. I dont like her. Hindi sya pwede sa seryosohang events, yun mga corporate assemblies, hindi sya pwede sa ganon. Pang Wowowee at anything na may kinalaman sa kalandian.

    Si Bianca, I DONT LIKE HER LEGS! MUKHANG LUYA! SIGURO YUN ANG MALI SA KATAWAN NYA. Yes she’s pretty and morena, pero siguro mas simpleng damit, mas bagay sa kanya. Wag na sumabay sa pagiging trendy nun dalawa kung di naman nya ma-carry. Lalo lang nae-emphasize ang inadequacy nya sa fashion.

    • Bianca at Mariel mga sociall echos di naman anak mayayaman yan mga yan. pilit nakikibarakda sa mga mayayaman hays naku no wonder kung may maiipon yang mga yan sana nga not like Toni kahit ganun sya medyo maaangas medyo ok sa pera at hindi rin masyadong social echos…

      hays naku kung ganyan ka sa showbiz di ka makakaipon at kapag nalaos ka na madedesperate ka na gawin lahat mgkatrabaho lang. no wonder that is the style of Guiterrez clan kapag medyo di na napaguusapan gagawa ng kahit ano para lang magkatrabaho bakit kanyo eh sobra sila sa pera eh… showbiz bumubuhay sa kanila at ang on the side bugaw ni annabelle hehe.

      • inday mag basa basa ka nga hindi puro idolo at pangangarap ang ginagawa mo maghapon, mag back grond check ka nga, anung hindi mayaman si bianca???

        bobo ka pala, puro kasi pag papantasya ginagawa mo sa mga artista mag hapon kaya pulpol ang laman ng utak mo..hindi na panahon ni guy at pip ngayon,wag ka masyadong mag ilusyon sa mga artista..

      • haller hayaan mo n cla wla lng masabi mga yan kya puro negative lumalabas c bibig nila…

      • ngeky mo…mayaman kaya cla bianca…e2 napakabitter..hahaa..ur so annoying…ee atlesat nmn abait c bianca noh!at sincere pa sa mga sinasabi at magaling na host talaga..

        ..yes c mariel hndi naak mayaman..pero mya kaya nmn pamilya nya noh!sobra nmn kua mkapanglait,kala nu nmn kaya nu ang mga gingawa nila…ur so pathetic,pati mga guiterrez dinamay mo pa..wala nmn clang gngawa sau..alalahanin mo tao ka lang dn nmn.ngkakamali!

  16. Cristy bayaan mo na si Bianca. Beauty extends beyond the clothes that one wears. What is important ay yung marunong sya makisama sa iba. Palagay ko may pagkamayabang si Toni and chaka naman at si Mariel super ingay… Nakakairita na minsan. Super OA sya!!!

  17. sus fermin matagal na syang baduy ngayon mo lang napansin sabagay ikaw nga d mo pansin mas BADUY ka sa kanya. sa the buzz mukha kang tanga sa mga sout mo.
    tma yan tirahin mo ang alaga ni boy bading baboy na mga walang talent kaya lang may project kasi malakas si BBB sa management ng dos.

  18. fashion victim sya. ipinipilit kasi ang style na di naman fit sa personality. di porke uso ay maganda na. si mariel din naman madalas na fashion victim. lalo na sa shoes, di bagay ang gladiator sandals sa kanilang 2 kasi big feet and big legs sila. parang laging nakapaa ang itsura. sayang ang ganda nila

  19. o ayan cristy.. ang alaga namn ni boy pinupuntarya mo!!! ask ko.. magaling ka bang manamit? kung nakatube ka ang sagwa mong tingnan!!!

  20. i love bianca kesa nman kay mariel…d lng cguro makuha ng mga tao na minsan ang fashion nya ay may pagka edgy…nkita q ung sinsabing prang nakakulambo na lamok grabe nman ang description eh mas mganda nga ang damit nya nun kay mariel na nkasuot ng prang light blue na ewan.
    pero hindi nman sa lhat ng panahon ay kailangan nyang mageffort na mgpaganda lalo nman kung wla xa sa tv…at bka hindi rin nsa personality nya ang pagiging kikay…tao pa rin nman yan gaya natin na minsan gusto ring mgtsinelas at mging comfortable.ang mahalaga ay ngagawa nya ng maayos ang trabaho nya at wlang inaapakang tao.

  21. i saw bianca gonzalez in glorietta bfore 2007 , i saw her inside a boutique i think petit monde, i was so shock to see her naka havaianas and capri short with matching bandana on her hair, what shocks me ang tataba nang galamay ng paa nya at ang iitim ng kuko grbe super turn off ako tlg d ko akalain na ganun sya baduy na at madumi ang feet…. nka havaianas pa nman so kitang kita.. hndi po ako nagyayabang nkita ko sya with my cousins kht sila d sila mkapaniwala sinundan tlg nmin ng sinundan si bianca, suplada din..

    • etchos ka naman, baka nmna black ung nail polsh nya sobra namang lalabas sya na madumi ang kuko, feeling mo lang siguro nagsuplada pero natakot sau akala stalker ka…

  22. kahit anung event sasalihan ni Bianca mukha syang baklang baduy.

    kahit anung mahal ng damit baduy parin

    Sorry Bianca, mag hanap ka ng stylist kasing galing ni Rachel Zoe.

  23. bakit ikaw magaling manamit? bakyang bakya ka gaga. at dahil sa kagagahan mo kaya na nasibak sa abs cbn. karma karma karma kaya ngayon pwet ni willie lagi mong hihimod. kahit me tae pa hihimurin mo pa rin dahil sa pera.

  24. “sa lang ang ibig sabihin nito, ang mga tao talagang walang ginagawa at magawa sa buhay ay kung anu-ano ang nagagawang hindi kaaya-aya” – hoy! fermin ikaw ito! wala kang magawa kaya puro BI ang pinagkakaabalahan mo!

  25. Isa lang masasabi ko…
    bakit di ko matumbok kung ano ang nasa iyo at bakit ganyan ang mukha mo? pati pag-uugali mo eh sobrang kapangit pangit? akala mo kung makapagsalita eh ang ganda ganda ng katawan… maganda ka din ba manamit? mukha kang aparador na nilagyan ng kurtina para matakpan. tamang tama… para matakpan yang mukha mong inaagnas na sa kaswapangan ng ugali mo! balahura!

Leave a Reply

Your email address will not be published.