BI: Napoles, Posibleng Nakalabas na ng Bansa

KINUMPIRMA NG Bureau of Immigration (BI) na may ulat silang natanggap na nakalabas na ng Pilipinas si Janet Lim-Napoles, ang itinuturong utak sa P10 bilyong pork barrel scam.

Sinabi ni Immigration Officer-In-Charge Siegfred Mison na wala na ang tatlong yate sa Maynila na pag-aari ni Napoles na posibleng ginamit nito sa pagpunta sa Marore Island sa Indonesia.

Ayon kay Mison, inalerto na rin ng ahensya ang Immigration office sa naturang bansa.

Samantala, ipinaliwanag ni Mison na gamit ang yate hindi nila inaalis ang posibi-lidad na makapaglayag si Napoles sa iba’t ibang isla sa bansa at pinakahuli ay ang Balut Island malapit sa General Santos kung saan maaari siyang tumawid patungong Marore Island.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.