BFP-NCR, Inaming Limitado ang Teknolohiya sa Pamatay-Sunog

INAMIN NG Bureau of Fire Protection-National Capital Region na kulang sila sa kagamitan sa pamatay-sunog lalo kung ang matutupok ay mga planta ng kemikal o matataas na gusali, batay sa naging panayam kamakailan sa kanilang tagapagsalita.

Ayon kay FCInsp. Renato Badong Marcial DSC., Chief Admin at Chief Public Info Services, inamin niya ito nang mabigo siyang sagutin ang mga tanong kung anong interbensyon ng agham at teknolohiya sa larangan ng pamatay-sunog lalo kung ang pag-uusapan ay chemical burning at high-rise firefighting equipments.

Nabatid na hindi rin equipped ang BFP-NCR kung ang pag-uusapan ay pakikipagtulungan sa information dissemination dahil sa ‘di epektibong pakikitungo nila sa mga mamamahayag na magtatanong sa kanila.

Ipinaliwanang naman nila ang pagkakaiba ng mga volunteer brigade na marami ngayon at mas nauuna pang magresponde kaysa sa kanila. Wika nila, pagdating sa pagbili ng gamit, mas madaling ma-kabili ang pribado kaysa sa pamahalaan dahil na rin sa burukrasya.

Dependent din ang ahensya sa imported na fire trucks na ngayon ay mayroon sila habang may teknolohiya ang mga lokal na manufacturer sa bansa na halos katumbas o mas maigi pa sa imported ngunit ‘di nakukuha ng gobyerno.

Matatandaang nag-prisenta ang isang lokal na kumpanyang gumagawa ng fire truck sa Department of Interior and Local Government (DILG) noong panahon ng namayapang Kalihim Jesse Robredo kasama ang Department of Science and Technology (DOST) at ng Filipino Inventors Society (FIS) upang ipakilala ang kanilang produkto, ngunit ‘di naisapubliko kung ano na ang naganap pagkatapos.

(MJ BALAGUER)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.