Beth Tamayo surfaces! Denies she’s one of the 3 OFWs sentenced to death in China

DAHIL SA KUMALAT na ma-ling balitang si BethTamayo raw itong Elizabeth Batain na isa sa tatlong Pinoy na binitay sa China, napilitan ang aktres na magpadala ng mensahe sa Startalk para pabulaanan ito.

Bahagi ng mensahe nito: “Nakakatawa lang kasi bakit ako ang naisip agad just because Beth din ‘yung name nu’ng binitay? Ang dami namang Beth, why me? Just because I haven’t been in the surface? Hindi ko lang ma-gets na bakit sa ‘kin agad na-iconnect ‘yung Beth na binitay.”

Mapapanood sa Startalk ang kabuuan ng sagot na ‘yun ni Beth na mukhang masaya naman siya sa buhay niya sa Amerika.

Nang magpa-presscon naman si Kris Aquino para sa album niya, nagulat din ito sa balitang ‘yun dahil personal na nakaharap nito ang pamilya nitong Elizabeth Batain.

Sinadya pa raw niya ito sa Quezon at kaya hindi raw sila nagpakita at ipinalabas ang litrato ni Elizabeth dahil gusto raw nilang mapanatili ang kanilang privacy dahil nasa matinong pamilya naman sila. Kaya sobrang foul naman daw itong ikinakalat na balitang si Beth Tamayo ‘yun.

Ang alam ko, kinumpirma pa iyan sa isang radio program pero hindi ko na sasabihin kung sino kasi hindi ko naman napakinggan.

Panoorin n’yo na lang sa Startalk ang kabuuan ng kuwentong iyan.

HINDI NAIWASAN NI Cesar Montano na sagutin ang tungkol sa pag-aartista ng kanyang anak kay Teresa Loyzaga na si Diego Loyzaga.

Kung si Cesar ang masusunod, ayaw raw niya sanang pag-artistahin si Diego dahil ang gusto nito, mapaghandaan ang pagkuha nito ng entrance exam sa Ateneo. ‘Yun daw ang frustration niya na makapasok sa Ateneo na gusto niyang matupad ito sa anak niya.

Since, gusto naman daw ni Teresa at gusto rin ng anak niya, wala na siyang magagawa kundi suportahan ito. Ang sabi na lang ni Cesar, siya na raw ang tatayong acting coach nito dahil sayang din ang lakas ng dating nito sa screen kung hindi raw nito mapabuti ang pag-arte niya.

Hindi na pala kay Cesar nakatira itong si Diego magmula nang pinasok na nito ang pag-aartista. Ewan ko kung sa pamilya na ni Teresa ito nakatira dahil hindi naman diretsong sinagot ni Cesar ang isyung medyo pasaway raw ang bagets at  hirap daw siya sa pagdisiplina rito.

Sabi lang ni Cesar, “I accept kasi 15 na siya dumating sa akin. I remember when I was 15 talagang mahirap akong alagaan, mahirap akong kontrolin bilang 15 years old. Now, nakikita ko ang sarili ko sa kanya, kaya ako guidance lang ako as a father, ayokong maging kontrabida sa buhay niya. Gusto ko maging father na nagsu-support  sa kanya. Ako, kung ano ‘yung nakakabuti sa kanya, du’n ako.”

Maganda ang exposure ni Diego sa Mara Clara kaya sabi nga ni Cesar dapat na mapagbuti nito ang acting niya.

Anyway, abala ngayon si Cesar sa pagpu-promote ng bagong album niyang Cesar Montano under Sony Music.

May mga ginawa pa siyang kanta na nakapaloob sa album na ‘yun.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

3 thoughts on “Beth Tamayo surfaces! Denies she’s one of the 3 OFWs sentenced to death in China

  1. siguro may project na naman to si beth and as usual para pag-usapan gagawan ng issue kunwari. haay nako. same pattern na to.

  2. sige pa manay lolit, super duper mega promote mo pa lahat ng mga shows ng abs-cbn. nakaka dismayang isipin na kailan lang eh pumirma ka pa ng exclusive contract sa gma-7 na siyang nagbigay sa yo ng breather sa career mo after your filmfest scam. sige pa, magpaka “unloyalista” ka pa.

Leave a Reply

Your email address will not be published.