Beteranong direktor, nagtatalak sa isang restaurant!

BLIND ITEM: NAKAKALOKAH naman itong beteranong direktor na ‘to na hindi na busy dahil nga may sakit. Kagagaling lang sa stroke at nagpapagaling.
Ilang establishments na, lalo na ang mga resto, nagrereklamo sa ingay niya na nabubulahaw pati mga katabing customers.

Nu’ng isang araw, kumain ito sa Kalye Timog Resto (tapat ng Metrobank) at nag-eat-all-you-can na meryenda for only P149 net.

Tapos, parang siga raw na nagdayalog ng, “Senior citizen ako, tanggalin n’yo ang 20% diyan. At ayoko ng service charge.  Magbibigay ako ng tip kung gusto ko, alisin n’yo ‘yan!
“At tanggalin n’yo rin ‘yung 12% VAT.  Kilala n’yo ba kung sino ako?” Ganyan daw magsalita. Pati ‘yung disenyo ng resto, pinakikialaman.
“42% na lahat ang kaltas. Kaya kami na ang nagmagandang loob na ‘wag na niyang bayaran at on us na lang, sabi ba naman, ‘Hindi, babayaran ko!”
Kung anu-ano na raw ang pinakawalang salita na nakakahiya rin sa mga kumakain doon. Halagang P149 na may less 42%, nagano’n pa sila ni direk.

Baka nga maintindihan ko pa si direk, kaso, noon pa, may reklamo nang ganito sa kanya. Gano’n ba talaga? ‘Di ba, dapat, na-stroke ka na, imbes na sumalbahe ka, babait ka pa?
Hindi na po namin sasabihin pa ang masasakit na salitang binitiwan ni Direk, kasi nga, “pang-GP” ang ating blind item.

TINAWAGAN KAMI NI Sen. Bong Revilla nu’ng isang gabi para batiin sa aming kaarawan and at the same time, itinanong na rin niya kung busy ba si Vice Ganda.
Kino-consider niya kasing isama sa kanyang next movie si Vice Ganda. At natuwa nga si Vice nu’ng iparating namin ito.  Kaso, nakapirma kami sa Viva Films at sa Star Cinema.

HINDI NAGMUKMOK NU’NG New Year si Pokwang porke nagbabu na sa ere ang Pilipinas Win Na Win. Malungkot, oo naman. Sino’ng sasaya kung sa pagpasok ng 2011, eh wala kang show, ‘di ba?
Pero according to Pokwang, in-assure siya ng ABS-CBN na may programa siyang paglalagyan aside from being the mainstay of Banana Split.

At naiintindihan namin kumbakit dapat magtago si Pokwang sa house nila. Ikaw na ang tubuan ng bulutong (chicken pox), ‘di ba? Gusto mo bang manghawa?

SA MGA NAKAKALIMOT, bukod sa birthday ni Sharon Cuneta kahapon (Jan. 6), birthday din ito ng kambal nina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi, sina Cass at Mavy.
At siyempre, hindi namin makakalimutan ang Jan. 6, dahil birthday din ito ng pinaslang na si Tita Nida Blanca.
At kahapon din binawian ng buhay ang mahal na ama ni Alfred Vargas due to cardiac arrest.

BAGO MAGKALIMUTAN, BIRTHDAY ngayon ng minsa’y naging “crush” namin sa showbiz nu’ng mapanood namin siya sa Mama Said, Papa Said I Love You.
Hanggang sa maging kaibigan namin at kumpare namin (sa aming second daughter), si Keempee de Leon.
Happy birthday, Kimpoy!

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

One thought on “Beteranong direktor, nagtatalak sa isang restaurant!

Leave a Reply

Your email address will not be published.