Beteranang komedyante, nang-api ng baguhang stand-up comedian?!

BLIND ITEM: KINSA siya? Nakawiwindang ang kuwentong ito. Minsan daw sa isang comedy bar, kung saan nakatakdang mag-perform ang isang beteranang komedyana, nagkaroon ng medyo hindi magandang pangyayari dahil sa diumano’y inalipusta ng beteranang komedyana ang isang not-so baguhang stand-up comedian.

Ayon pa sa kuwento ng aming source, kasunod na magpe-perform sa not-so baguhang stand-up comedian ang beteranang komedyana, pero medyo nag-enjoy pa ang mga tao sa not-so baguhang stand-up comedian kaya medyo napalagpas sa naka-takdang set ang stand-up comedian. Pinalakpakan nang husto at maraming natuwa sa performance ng stand-up comedian.

At nang sumalang na ang beteranang komedyana, hindi niya napatawa at hindi nag-enjoy nang husto ang mga manonood sa kanya. May tatatlo o iilan lamang sa audience ang medyo natuwa sa kanyang performance, pero hindi ito ikinatuwa ng komedyana. Ang da height, may isang tao pa sa audience na nagsabing lumayas na lamang siya sa stage dahil walang kuwenta ang kanyang performance.

Pagkatapos mag-set ng beteranang komedyana, dinuro-duro niya ang baguhang stand-up comedian dahil daw masyado nitong ginalingan ang kanyang performance at lumagpas ito sa takdang oras ng kanyang pagsi-set. Nakakaloka ang beteranang ko-medyanang ito.

ISA PANG BLIND Item: Kinsa Siya? Sino itong sosyaling TV host na diumano ay napagsalitaan nang hindi maganda ang mga badiklang nanalo ng isang award?

Nang tawagin na daw ang pangalan ng apat na badikla na nanalo sa isang category, nagsalita raw itong si sosyaling TV host na, “Oh, the unknown faggots are here…!!!”

Naloka raw ang apat na badikla sa tinuran ng sosyaling TV host at medyo nainsulto sila sa tinuran ng TV host. Isa namang sosyaling make-up artist ang diumano’y galit na galit din sa TV host dahil sa kanyang mga pinakawalang salita. Kaloka siya!

TAWA KAMI NANG tawa sa kuwento ni Arnell Ignacio tungkol sa diumano’y pagkapalayas sa kanya sa nakaraang Famas Awards. Hindi ko na idedetalye pero may ka-cheapan ang mga eksenang nangyari at ayaw nang pag-usapan pa ni Arnelli. Kaya tinanong na lamang namin sa kanya kung totoo nga bang sabay raw silang naligo ni Suzuki Sadatsugu. Ang sagot niya, “Oo, sabay kaming naligo sa magkahiwalay na banyo,” sabay tawa nang napakalutong. Kaloka talaga itong si Arnelli!

PERSONAL: MARAMING SALAMAT doon sa mga maagang nakaalala sa aming kaarawan (December 31). Wala kaming naiimbita kadalasan sa aking birthday dahil ito’y sabay sa paghahanda sa pagsalubong ng Bagong Taon. Merry Christmas and a Happy New Year, dear readers!!!

Tutok lagi sa Juicy, daily (12 NN), sa TV5; Paparazzi, Sundays, 4 PM, sa TV5; at sa Cristy Ferminute, Radyo Singko, 92.3 newsFM, daily, 4 to 6 PM.
Sure na ‘to

By Arniel Serato

loading...

One thought on “Beteranang komedyante, nang-api ng baguhang stand-up comedian?!

  1. May chika kay Arnel, kung gwapo kang technician kukunin ang service ninyo, pero kapag swanget ang face hindi ka niya kukunin para magkumpuni ng bahay or internet problem. may mga website na kasing nag post ng ganitong service at pag nakita niya ang photo ng technician siguradong tatawagan niya ito para mag-ayos sa bahay niya at may addtional fee pa. Pero mabait daw si Arnel at ginagalang naman niya ang mga hitad. no monkey business syempre.

Leave a Reply

Your email address will not be published.