Beteranang broadkaster, pinabayaran sa production ang mga biniling damit sa ibang bansa?!

KINSA SIYA? MAY lumapit sa amin na isang staff ng isang malaking network na nanggagalaiti dahil hindi raw matanggap ng produksyon ng kanyang istasyon ang asta ng isang beteranang brodkaster.

“Ateh ba naman, mantakin mo, nag-shopping siya sa ibang bansa, an’daming mga damit, dolyares ang payment nito, ha? Tapos noong umuwi na siya, tuwing gagamitin niya ang mga damit na binili niya, pinababayaran niya ito sa Production Manager (PM). Hindi pa niya tinatanggal ang mga tag price nito.”

Naloka raw talaga ang PM ng kanilang show dahil ang mamahal daw ng mga ito. Out of budget na nga ang kanilang show, dagdagan mo pa ng expenses na sky is the limit. Hala, puwede pala ‘yun? Ay naku, basta beterana na siya.

(By Arniel Serato)

 

loading...

9 thoughts on “Beteranang broadkaster, pinabayaran sa production ang mga biniling damit sa ibang bansa?!

Leave a Reply

Your email address will not be published.