Beteranang aktres, lumalatay ang pagtataray!

MARAMING ARTISTA sa showbiz ang pupuwedeng bansagan ng titulong “Taray Queen” pero ang iba naman sa kanila ay nakikisakay lang sa nasabing titulo para mapansin sa showbiz. Ilan lang sa kanila ang nagtataglay ng tunay na katangian para sa nasabing titulo, katulad na lamang ng beteranang aktres na itago natin sa pangalang Farida Anson.  Kapag siya ang nagtaray at nagsalita ng mga katagang lumalatay, ay wala kang magagawa kundi ngumanga sa sindak at paghanga.

Napakayaman na ni Farida, dahil kilala ang kanilang angkan sa pagiging masinop sa pera at mahiligin sa pagnenegosyo.  Mayroon siyang naglalakihan at magagandang bahay sa mga subdibisyon sa buong Pilipinas. Hindi nakapagtataka na yumaman si Farida, dahil sumikat siyang artista at naging movie producer din siya. Magaling siyang aktres, kaya marami ang gustong bumalik siya sa showbiz. Nang tanungin nga siya, papaano kung operan siya ng isang TV station na lumabas sa isa sa kanilang mga teleserye. Ang sagot daw ng beteranang aktres: “Hindi ko na kailangan ‘yan. Mayaman na ako para patulan ang offer na ‘yan!”

Kamakailan naman sa isang malaking okasyon sa showbiz ay nagkatipun-tipon ang mga sikat na artista, at dumalo rin doon ang mga kasabayang artista ni Farida sa isang sikat pero nagsarado nang movie company. Habang nasa kainitan ang party ay dumating ang isang kontrobersiyal ngayong beterana ring aktres na kilala sa katarayan na si Rina Amoyo.  Sabi ng mga naroong kakilala ni Farida: “Hayan na ang isa sa mga kasabay mo sa showbiz.” Ang litanya raw ni Farida:  “Excuse me, pero hindi namin siya ka-level. Starlet lang siya noon!”.

(By Melchor Buatista)

 

 

loading...

20 thoughts on “Beteranang aktres, lumalatay ang pagtataray!

  1. tumbok na tumbok ang clue, Farida Anson, binaliktad ng A F or Amalia Fuentes…at Rina Amoyo binaligtad na A R ..or Anabel Rama…at ang kumpanyang nagsara ay Sampaguita Picture, talaga naman kasing starlet lang si Anabel Rama that time, infact boldstar pa nga .Di ba nio nakita mga larawan niyang kita ang suso niya na nagkalat sa internet?

  2. Was there when comment was made… Si Daisy Romualdez actually nagsabi na di nila kalevel ni AMALAIA si Annabel Rama in answer to a reporters comment na andon nga daw ang Annabelle na kasabayan nila. Ang exact words ni Daisy, DI NAMIN SYA KA LEVEL. SAMPAGUITA STARS KAMI!

    True true. AMALIA FUENTES is a certified MOVIE QUEEN. DAISY was a SAMPAGUITA STAR. Si ANNABELLE RAMA was a BOMBA STARLET, starlet ha, kasi ni hindi sya sumikat!

  3. Si Amalia F yan at Anabil bil rama..totoo naman na bomba star si anabil bil ewan ko ba kay eddie G kung bakit nagustuhan nya yan…parang sampal sa mga ex ni eddie g. di hamak na maganda at matino ang mga babae nya….

  4. wala naman pinag-aralan yan si annabelle eh. kitang-kita sa ugali nya. HIndi kaya nahihiya ang mga anak nya sa mga pinag-gagagawa nya?

  5. Korek, Anabel Rama was a bomba queen, starlet to the max and lola noong araw ha ha ha tapos ngayon kinakatakutan sa showbiz world eeeewwwweeeeee. Yun ang hindi ko maintindihan bakit ganon na lang ka impluwensya ang mga iyan samantalang ala namang mga sinabi yan noon. I used to watch old movies sila ata nila Divina Valencia non.

  6. My grandma recalls Amalia Fuentes noong kabataan pa. They used to play mahjong in San Francisco, kasama ang former beauty queen na si Josephine Estrada. Sometimes the session can go through the wee hours of the morning, at which point, nagtatanggal ng shirt si Josephine at naka bra na lang raw dahil naiinitan maski maginaw sa San Francisco. May katabaan na kasi in the late 70’s per my lola. Amalia married a real estate broker pero hindi naman mayaman at hindi kalakasan sa real estate. Siguro talagang marunong sa investments si Amalia kaya napalaki niya ang pera nila. Pero parang nagaway sila ng ex-husband na puti dahil sa isang bahay sa Pilipinas. Si Annabelle naman, never heard raw sabi ni grandma pero ang alam niya, naghuhubo si Annabelle sa movies niya. Bomba queen raw ito noon.

  7. common knowledge na talaga, kahit itago pa sa pangalang Farida Anson ay si Fuentes, Amalia, dating asawa ni Romeo Vasquez bago inahas ni ate Vi Santos-Recto si Romeo, tapos napangasawa ni Amalia si Stevens, tapos hiniwalayan at idinemanda at ipinakulam pa yata!. Yung starlet na sinasabi, which is really ACCURATE naman talaga dahil wala naman narating bilang actress na ikinukubli sa pangalang Rina Amoyo ay si Rama Annabelle as in Annabelle Rama na kademandahan ngayon ni Nadia Montenegro na isa lang sa mga babae ni Eddie Guttierez noon pagkatapos humiwalay si Eddie Guttierez kay Pilita Corales!

  8. b.i. #1 amalia fuentes #2 = daisy romualdez b.i. #3 = annabelle rama , guess ko lang.

Leave a Reply

Your email address will not be published.