Bestfriends Forever… couples forever!

Dinumog ng tao ang premiere night ng BFF (Bestfriends Forever). Dalawang sinehan ang inilaan para mapanood ng mga tagahanga nina Ai-Ai delas Alas at Sharon Cuneta ang kanilang movie. Present siyempre pa ang mga kaibigan at kamag-anak ng Comedy Concert Queen at ng Megastar.

Malakas ang tilian nang rumampa sa red carpet ang Megadaughter na si KC Concepcion, escorted by Piolo Pascual. Tanong nga ng iba, sila na ba, o bahagi lang ito ng gimik for their upcoming teleserye sa Dos na Filipino adaptation ng sikat na Koreanovelang Lovers in Paris? Behind the scene kasi, marami ang nakapansin sa lutang na lutang na sweetness nina KC at Papa P!

‘Di naman nagpatalbog ang Comedy Concert Queen, at agaw-eksena rin sweet-sweet-an nila ng kasama niyang guwapong foreigner. Yes! Ang lalaki ngang ka-date ni Ai-Ai sa premiere ng BFF ay walang iba kundi ang bago niyang dyowa na isa nga raw model, na nabanggit nga niya kay Ruffa Gutierrez na isasama nga niya sa nasabing okasyon. Well, sight n’yo na lang ang mga pics at kayo na ang bahalang mag-judge!

Siyempre pa, mawawala ba naman ang better-half ni Ate Shawie na si Sen. Kiko Pangilinan? Naispatan nga rin namin ang megacouple, kasama ang madir ni Megastar na si Mommy Elaine.

Date naman ng leading man nina Ai Ai At Sharon na si John Estrada ang girlfriend forever nitong si Priscilla Meirelles. Bitbit din ni John ang mga guwapo at magagandang anak kay Janice de Belen.

Present din sa premiere night ang Preseident ng ABS-CBN na si Ms. Charo Santos-Concio, at si Ruffa Gutierrez.
Pero nagtilian ang mga manonood nang sa bandang huli ng movie, lumabas si Gabby Concepcion. Nagulat nga ang lahat at maging si KC, nagulat sa eksenang iyon. Malamang, nagulat din si Sen. Kiko. Basta panoorin n’yo na lang nang makita n’yo ang eksena nina Gabby at Shawie.

Premiere Shots
Photos and Story by Allan Sancon

loading...

4 thoughts on “Bestfriends Forever… couples forever!

  1. mukhang work intentions lang talaga kina piolo at kc.
    sabi ni kc sa elive kahapon patungo sila sa primetime and earlier lang sa the buzz habang promote ni kc ang lip bigla siya nag HI kay CHARD at nag pasalamat.
    ang real lovers talaga itong si chard at kc ang sweet

Leave a Reply

Your email address will not be published.