Best Practices ng 2 Lungsod, kinilala nina Tiangco at Gatchalian

KINILALA NINA Navotas City Mayor John Rey Tiangco at Valenzuela City 1st District Representative Sherwin Gatchalian ang “best practices” ng kanilang mga lungsod upang mabigyang-diin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kaagapay sa pagpapatupad ng mga programang kapaki-pakinabang sa kanilang mga nasasakupan.

Ito ay naganap sa paglagda ng dalawang lider sa Sisterhood Memorandum of Agreement sa pagitan ng dalawang lungsod kamakailan.

Tinumbok ni Mayor Tiangco ang malakas at nararamdamang pamumuno ni Gatchalian na nagkaloob sa Valenzuela ng Galing Pook Award at Most Business Friendly Local Government Unit in 2012 at Seal of Good Housekeeping Award noong 2013, at iba pang pagkilala.

Sa kabilang dako, sinabi Gatchalian na, “Navotas has set good examples in providing service to its constituents through modern and innovative projects and programs such as the installment of CCTV cameras, establishment of Action and Command Center, construction of pumping stations, Geographical Information System, etc.”

“We believe that this sisterhood will help us learn from each other and open new opportunities and development,” dagdag ni Gatchalian.

Ayon pa kay Mayor Tiangco, mahalaga ang pakikipagtulungan sa mga katabing lungsod gaya ng Malabon at Navotas upang makamit ang iisang layunin para sa CAMANAVA area.

Ang kasunduan ay suportado ng mga konsehal ng dalawang lungsod na dumalo sa paglagda sa Navotas City Hall at sumuporta sa resolusyong nagrerekomendang aprubahan ang kasunduan na ginawa ni Valenzuela District I Councilor Marlon Paulo Alejandrino at Navotas City District II Councilor Ricky Gino-gino.

(MARY H. SAPICO)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.