Best gift for John Estrada’s birthday, wife Priscilla Meirelles thinks she’s pregnant

 

BLIND ITEM: HINDI naman namin napansin nu’ng nagkita kami, kaya hindi kami makapag-comment kung tama nga ang tsika sa amin ng common friend namin ng isang aktres tungkol sa napansin nito.

“Sana, next time, kung magga-gown siya at mag-o-off-shoulder, sana, takpan niya ng concealer ‘yung mga stretched marks niya sa dibdib niya malapit sa shoulders niya.”

Kitang-kita raw kasi ang “spider web” sa dibdib nito na halatang galing sa dating fats na nu’ng pumayat, “Itsura ng mga ulalo sa kamote, ‘teh.

“Hindi naman sa nanlalait ako, ha?” pero parang gano’n na rin, sa loob-loob namin. “Siyempre, artista siya, naging leading lady siya ng kung sinu-sinong sikat na aktor, tapos, concealer lang para takpan ang mga stretched marks niya, hindi niya magawa?”

Anyway, kung nagbabasa na lang ‘yung aktres at kung totoo man ang claim ng a-ming common friend, eh gawan na lang niya ng paraan para hindi na pumutak itong friend namin.

Isang beses pa lang na talak ‘yan, baka dumalawa pa ‘yan ng talak, kaya tama na ‘yung isang talak.

 

MANGILID-NGILID ANG LUHA ni John Estrada habang pinanonood ang apat na anak na tumutugtog at iniaalay sa kanya ang awitin sa birthday at Father’s Day presentation ng Happy, Yipee, Yehey! nu’ng Sabado.

Ang kukyut ng mga anak nila ni Janice de Belen. Si Moira nga ang napagdiskitahan ni John at ang sabi niya, “’Eto, hindi maipagkakailang anak namin.”

Gagah rin ‘tong si John, eh.

Tapos, ibinalita pa ni John pagkatapos siyang batiin ni Priscilla Meirelles na nu’ng gabi (Biyernes) ay parang masama ang pakiramdam ng misis niya.

“Baka buntis ako, is it okay with you?” tanong ni Priscilla ke John. “Natural, mag-asawa na tayo, eh. Okay na okay!”

Kaya let’s just wait and see kung confirmed nang buntis si Priscilla at hindi false alarm lang.

 

NALOLOKAH NA SI Vice Ganda. Hindi na niya alam kung paano isisingit sa sked niya ang kagustuhan niyang matuto ng pole dancing.

“Nako, gawan n’yo ng paraan ‘yang sked ko ng pole dancing lessons, dahil nai-press release na natin ‘yan na magpo-pole dancing ako sa concert ko sa July 1 sa Araneta Coliseum.”

Nag-hire pa ang Viva Concerts ng illusionist, dahil si Vice ay gustong mag-magic sa concert. Kaya kung naririto lang daw si David Blaine eh, ilusyon niyang manood ito sa concert niya.

Si Vice pa naman ‘yung tipong ‘pag nag-concert, feeling niya, ‘yun na ang huling concert niya at hindi na mauulit sa Araneta.

At ayaw rin niya ‘yung nagawa na niya, uulitin lang niya. “Nagbayad naman nang tama ang mga tao, kaya kailangan, sulit ‘yon at masaya sila paglabas ng Araneta.”

Kaya nga kahit ‘yung mga guests niya ay personal niyang kinakausap para pag-usapan ang kanilang magiging “usapan” sa stage pagkatapos ng kanilang production number.

“Gusto ko, hindi sila ‘yung pumasok-lumabas lang ng concert. Gusto ko, maalala rin sila ng mga tao. At gusto ko, tumawa rin sa kanila ang mga tao!”

Sina Enchong Dee, Cristine Reyes, Toni Gonzaga, Xian Lim ang mga guests sa “Vice Ganda: Todong Sampol Sa Araneta” presented by Globe Prepaid in cooperation with Mang Inasal, Calayan Surgicenter Corp., Met Tathione at ABS-CBN. Radio Partners: 91.5 Energy FM, 101.1 Yes-FM, 101.9 Tambayan.

Sa mga wala pang tickets, ubusan na po. Tawag lang sa 911-5555.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

6 thoughts on “Best gift for John Estrada’s birthday, wife Priscilla Meirelles thinks she’s pregnant

  1. oo nga john at isa kang wlang kuwentang kaibigan balimbing at sinungaling mahiya ka sa sarili mo nagbabai-baitan ka sa camera pero kabaligtaran ng ugali mo si janice at si will na ang magpapaliwanag kung bakit wla kang kuwentang asawa at kaibigan…

  2. KAPAL NG MUKHA MO JOHN PANOT, ASIKASUHIN MO MGA ANAK MO KAY JANICE KESA PURO KA PA GARBO DYAN………KAWAWA MGA ANAK MO……….AMININ MO MAN AY AYAW MO PA TALAGA MAGKA ANAK KAYA LANG SA SOBRANG LIBOG MO AY DI MO NAPIGILAN. MAG SUSTENTO KA GAGO!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

  3. Iza Calzado ang BI. ang dami talagang stretch marks at super lawlaw skin nya kakapapayat. Sana mag-consult sya sa derma to tighten her skin & stretchmarks

  4. buti hindi naranasan ni priscilla ang naranasan ni janice na kakahabol for child support na manggagaling ke john habang si john galante ke priscilla. lahat ng luho ni priscilla bigay kaagad ni john habang mga anak ni janice hindi siya makapagbigay…

Leave a Reply

Your email address will not be published.