BEST ACTOR, BEST BF PA: Dennis Trillo, pinasalamatan si Jennylyn sa kanyang pagkapanalo!

Dennis Trillo

WELL DESERVED ng Kapuso Drama King na si Dennis Trillo ang kanyang Best Actor award sa katatapos lang na Metro Manila Film Festival 2018 Awards Night para sa kanyang pagganap sa pelikulang ‘One Great Love‘.

He played the role of Ian, isang cardiologist na maiinlab sa kanyang ‘bes’ na si Zyra (played by Kim Chiu). Sa umpisa, akala mo ay boring ang character ni Dennis. Paano ba naman, kahit na kasal na sila ni Kim sa movie ay ‘bes’ pa rin ang tawagan nila. Kaloka! Eventually ay maipapakita ni Ian kung ano ang kaya niyang gawin at isakripisyo para sa kaligayahan ng kanyang asawa na confused.

View this post on Instagram

Labing apat na taon mula noong ako’y unang nakatanggap ng ganitong parangal, para sa pelikulang Aishite Imasu 1941 directed by Joel Lamangan, na siya ring pinaka una kong pelikulang nagawa sa buong buhay ko. Salamat po Mother Lily at Miss Roselle Monteverde sa pagtitiwala noon pa man, hindi hindi ko po yun makakalimutan. Taos puso din ang aking pasasalamat kay Miss Kim Chiu ,JC deVera, Marlo Mortel at Miles Ocampo lahat ay magagaling at seryoso sa trabaho, mapalad at proud akong nakagawa ng proyekto kasama kayo. Malaking bagay din ang tulong at pag gabay ng aming director na si direk Eric Quizon @eric_quizon . Salamat sa pagbigay ng kumpiyansa sa akin upang magampanan ko ng maayos ang Role ni Ian.? Ang lahat ng ito ay hindi ko magagawa kung hindi sa tulong Ng lahat ng mga mahal ko sa buhay. Salamat sa inyong pag aalaga at pagmamahal sakin lalu na kay @mercadojenny ??? Sana po ay mapanood niyo ang #onegreatlove Merry Christmas and Happy New Year po sa inyong lahat?❄️

A post shared by Dennis Trillo (@dennistrillo) on



Hindi nag-attend ng awards night si Dennis dahil may sakit ito. Sa kanyang Instagram ay nagpasalamat ito:

“Labing apat na taon mula noong ako’y unang nakatanggap ng ganitong parangal, para sa pelikulang Aishite Imasu 1941 directed by Joel Lamangan, na siya ring pinaka una kong pelikulang nagawa sa buong buhay ko. Salamat po Mother Lily at Miss Roselle Monteverde sa pagtitiwala noon pa man, hindi hindi ko po yun makakalimutan.

Taos puso din ang aking pasasalamat kay Miss Kim Chiu ,JC deVera, Marlo Mortel at Miles Ocampo lahat ay magagaling at seryoso sa trabaho, mapalad at proud akong nakagawa ng proyekto kasama kayo. Malaking bagay din ang tulong at pag gabay ng aming director na si direk Eric Quizon 
@eric_quizon . Salamat sa pagbigay ng kumpiyansa sa akin upang magampanan ko ng maayos ang Role ni Ian.? Ang lahat ng ito ay hindi ko magagawa kung hindi sa tulong Ng lahat ng mga mahal ko sa buhay.

Salamat sa inyong pag aalaga at pagmamahal sakin lalu na kay 
@mercadojenny ??? Sana po ay mapanood niyo ang #onegreatloveMerry Christmas and Happy New Year po 
sa inyong lahat?❄️

Jennylyn Mercado and Dennis Trillo

Nakakakilig! Sumagot naman si Jennylyn sa post ng boyfriend at talaga naman pinusuan pa ng mga fans and followers.

Maliban sa Best Actor award, ginawaran din ng 3rd Best Picture Award at Best Musical Scoring ang ‘One Great Love’ umani rin ito ng 11 nominations including Best Actress for Kim Chiu, Best Director for Enrico Quizon Best Supporting Actor for JC de Vera.

Up to this day ay tuloy-tuloy lang din ang pagpapablock screening ng fans ni Kim at nananawagan din sila sa theater owners na bigyan naman ng screening ang award-winning film na ito.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.