Bente pesos, kapalit ng puri

PINAGHAHANAP NGAYON ANG isang lalaki na umano’y nanggahasa ng isang dalagita sa bayan ng Mauban, Quezon.

Kinilala ang suspek na si Reynan Ursua, residente sa Penalosa St., Brgy. Bagong Bayan.

Sa reklamo ng biktimang itinago sa pangalang Anna, 19 anyos, noong Agosto 30, dakong alas-9 ng gabi nang gahasain siya ni Ursua sa bakanteng lote malapit sa kanilang bahay.

Sinasabing nakipanood sa telebisyon sa kanilang kapitbahay si Anna kasama ang kanyang ama subalit nauhaw ito kaya umuwi ng bahay para uminom.

Sa kanyang paglalakad, dumating si Ursua lulan ng tricycle at inaya itong kumain.

Dahil kakilala ay sumama naman ang biktima subalit sa halip na karinderya ang puntahan ay sa isang madilim na lugar siya dinala nito, kung saan paulit-ulit na ginahasa.

Makaraang mairaos ang kamunduhan, inihatid ng suspek ang biktima at binigyan ito ng P20.00.

Nagbanta pa umano si Ursua na may mangyayaring masama sa dalagita sakaling magkuwento ito sa iba.

Gayunman, sa sakit ng katawang sinapit ay ikinuwento rin ni Anna ang sinapit sa kanyang ama. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.