Benta sa Jologs na Warlahan: Sunshine Dizon, ixe-xerox ang mukha ni Angelika dela Cruz sa Ika-6 na Utos!

Sunshine Dizon and Angelika dela Cruz

The cast and crew of the #1 daytime drama ‘Ika-6 na Utos’ truly knows their target market very well. ‘Yan ang realization ng bagong salta sa programa na si Angelika dela Cruz, who is playing the role of Geneva. Sa ngayon ay annoying ang mga antics ng kanyang karakter sa programa, pero mas marami pang dapat na abangan ang mga manonood dahil like the old days ay itotodo nila ni Sunshine Dizon ang pagwawarla!

Para sa mga bagets, bigyan ko lang kayo ng konting background:

Unang nagsama sina Sunshine Dizon at Angelika dela Cruz sa panggabing drama na ‘Umulan man o Umaraw’. Eventually ay nabigyan sila ng primetime series na ‘Ikaw lang ang Mamahalin’ na talagang naging patok sa masa ang kanilang characters as Clarisse and Mylene. Sayang nga dahil maganda sana itong i-remake nina Barbie Forteza at Mika dela Cruz ngayon dahil mas akma sa edad nila ngayon. Ni-remake ito ng GMA four years ago at hindi memorable ang ratings at reviews nito.

Nilayasan ni Sunshine Dizon ang programa sa kalagitnaan dahil napunta sa totohanan ang bangayan nila ni Angelika.

In 2013 ay nag-reunite ang dalawa. This time ay mas maayos na ang kanilang working relationshio, pero tuloy ang warlahan nila sa ‘Mundo Mo’y Akin’ na kasama rin sina Jolina Magdangal, Louise delos Reyes and Alden Richards.

Dahil hit na hit ang programa at mukhang planong isunod sa yakap ng The Half Sisters na almost two years sa ere, nagdagdag ng bagong kontrabida ang Ika-6 na Utos at ito na nga ay si Geneva.

Ngayon ay kumukulo ang dugo ni Geneva kay Emma (Sunshine Dizon) dahil obsessed siya kay Angelo (played by Mike Tan). Sa ngayon ay tarayan galore pa ang dalawa pero in a recent interview ay nasabi ni Angelika na tawa raw sila ng tawa ni Sunshine sa isa sa mga upcoming scenes nila. Bakit? Well, ixe-xerox lang naman ni Emma ang pagmumukha ni Geneva!

KALOKA!

Nakalagay pa raw doon na dapat ay galit na galit ang fez ni Geneva!

Paano nila gagawin ‘yun? Ang chaka… and we love it!

Ngayon pa lang ay tawang-tawa na ako personally. Aminado si Angelika na jologs na jologs ang warlahan scenes ng show kaya ito pumapatok sa masa. Kunsabagay, kung in real-life nga naman ay meron kang gustong barilin ng water gun, batuhin ng balut, punitan ng wedding gown o i-xerox ang fez, manood ka na lang ng Ika-6 na Utos para dun mo na ibaling ang frustrations mo!

Paano pa kaya kung ma-reveal na si Geneva pala ang kapatid ni Georgia? Naku, 2 vs. 1!!!

Shoot niyo na ‘yan!

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.