Benjie Paras, dedma lang sa interview kay Jackie Forster

HINDI NA raw pinanood nina Benjie Paras ang interview ni Boy Abunda kay Jackie Forster sa The Buzz.

Sabi ni Benjie, ganu’n pa rin naman daw ang sasabihin ni Jackie kaya wala na raw bago, kaya dedma na lang sila.

Ayaw na nga nilang sagutin ‘yan at feeling lang ni Benjie, parang gusto lang yata ni Jackie bumalik sa pag-aartista kaya umeeksena.

Ang dinig ko nga merong show na balak siyang kunin kaya tamang-tama lang.

Ang balita ko naman, lalo lang nainis ang mga bata, pero lagi silang pinagsasabihan ni Benjie na huwag nang mag-tweet ng kung anu-ano, at huwag na ring magsalita.

Lalo raw kasing pinapasama ni Jackie ang mga bata sa kasasalita niya, dahil hindi naman mapigilan ang mga bata na maglabas ng irita nila sa kanilang ina.

Sabi ko naman, hayaan na muna ang mga bata dahil mga bata pa ‘yan, eh.

Darating din ang araw na maintindihan na nila ang mga pangyayari, tatanggapin na rin nila at patawarin na rin nila ang kanilang ina.

Sa ngayon, hindi pa gaanong maintindihan ng mga bata ‘yan at ang naalala lang nila ay ang trauma nila sa kanilang ina.

Naniniwala naman ako na ‘pag nag-mature na sila, makapag-iisip na sila nang mabuti, tatanggapin na rin nila si Jackie.

Bukas pala ay pipirma sina Andre at Kobe sa Viva Films bilang agent sa mga commercials sa kanila.

Sa Sabado naman ay guest sina Benjie at Kobe sa Startalk, pero ewan ko lang kung sasagutin pa nila ang mga sinabi ni Jackie.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

3 thoughts on “Benjie Paras, dedma lang sa interview kay Jackie Forster

  1. sa totoo lang kung hindi lang naging pokpok itong si jackie forster hindi siya itatakwil ng mga anak niya…

    Kayo naman mga bagets, kahit makipag-ayos lang kayo sa ina nyo, may kasabihan nga hindi kayo magiging successful sa buhay pag sobra nyong pahirapan ang ina nyo huh!

Leave a Reply

Your email address will not be published.