Benjie Paras, ayaw nang patulan ang ‘YouTube apology’ ni Jackie Forster

AYAW NA talagang magsalita ni Benjie Paras tungkol dito sa mga ginagawa ni Jackie Forster.

Meron na naman kasing ipinost itong si Jackie sa You Tube na humihingi raw ng sorry sa anak niyang sina Andre at Kobe.

Kaagad na kumalat at ang dami raw nag-tag sa dalawang bata pero ang narinig kong kuwento, hindi na raw nila ito tiningnan.

Pero siguro, kay Jackie rin nagmana itong dalawang bagets. Nag-tweet daw itong si Kobe nang ‘di maganda para sa kanilang ina. Pero kaagad din niyang tinanggal dahil pinagalitan na ito ni Benjie.

Noon pa man, pinagsasabihan na sila ni Benjie na huwag nang pansinin at huwag na lang magsalita kung hindi naman maganda ang sasabihin. Pero hindi rin mapigil ang mga bata, meron pa rin silang sinasabi. Obvious na ayaw pa talaga nilang makita si Jackie.

Tuloy, lalo lang pinalala pa ni Jackie ang mga pangyayari. Parang lalo pa niyang pinalayo sa kanya ang mga bata.

Pati nga ako pinapatutsadahan niya sa mga pinu-post niya sa Instagram account niya, pero ayoko na lang siyang pansinin. Iniintindi ko na lang ang nararamdaman niyang bilang ina. Kaya hindi ko na lang siya papatulan.

Hindi na nga ito ginawa ng Startalk, pero ang dami nang talk show at news ang nangungulit sa amin na magbigay ng statement si Benjie, pero ayaw niya talaga. Mabuting manahimik na lang daw at hayaan na lang kung ano pa ang gagawin ni Jackie.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

2 thoughts on “Benjie Paras, ayaw nang patulan ang ‘YouTube apology’ ni Jackie Forster

  1. Lolit Solis Please naman tigilan mo na si Forster sobrang laos na yang dating artistang nagkaron nga ng pelikula eh madalang pa sa patak ng sirang gripo. Palitan mo ng Barretto ang apelyido ni Jackie baka sakali kagatin pa ng mga nagtinda ng sigarilyo sa calle. Jos ko naman Solis wala ka ng maisulat.

Leave a Reply

Your email address will not be published.