Benjie Paras, ayaw nang patulan ang sasabihin ni Jackie Forster

DUMATING DAW ng bansa itong si Jackie Forster galing Malaysia para magpa-interview lang, ha!

As of this writing, nagpa-interview na raw siya kay Boy Abunda para sa The Buzz at magpapa-interview na rin daw kay Ricky Lo para sa Startalk. Pero ewan ko lang kung natuloy, ha?

Pagkatapos daw ng interview na ‘yun, babalik na siya ng Malaysia.

Hindi ko pa alam kung ano ang mga sasabihin niya. Pero kahit ano pang sabihin niya, hindi na raw talaga ito sasagutin nina Benjie Paras at ng asawa niyang si Lyxene. Pero ewan ko lang sa mga anak niya ha?

Kasi parang nagmana rin talaga sila kay Jackie na ayaw ring paawat. Kating-kati rin silang sagutin ito, pero pinipigilan lang sila ni Benjie.

Kaya lang nagugulat na lang si Benjie, minsan may nai-tweet na ito. Kaya lagi silang pinagsasabihang dalawa.

Pero sa ngayon ay very positive sila dahil kapapanalo lang ng basketball team nina Kobe sa Indonesia at proud na proud sina Benjie dahil siya raw talaga ang nagpanalo.

Alam ko magi-guest silang mag-aama sa Startalk sa Sabado, pero ewan ko lang kung magsasalita sila para sagutin ang mga sinabi ni Jackie.

Marami na ngang fans itong mga anak ni Benjie, kaya tiyak na aabangan ‘yan sila sa Startalk.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.