Benjamin Alves, okay sa sexy at daring roles

Benjamin-AlvesMAY BAGONG soap na namang gagawin si Benjamin Alves sa GMA 7. Ito ay ang Kahati Sa Langit at makakasama niya sina Glaiza de Castro, Chynna Ortaleza, at ang child actor na si David na kinagiliwan nang unang ipakilala at magbida sa Binoy Henyo.

“I heard it’s heavy drama. That’s as much as I know about the show,” sabi ng Kapuso actor nang makausap namin. Inaayos pa ‘yong script at saka ‘yong mga character.”

May idea na siya sa kanyang magiging role? “I’m assuming kasi kasama si David that somehow, may koneksiyon kami. Sana brothers lang, hindi ko siya anak!” natawang biro pa ni Benjamin.

“Pero okey lang kung magiging mag-ama ang role namin. In the past, hindi pa ako nakapag-portray ng father role. Kaya okey lang sa akin. I’m very happy. I’m very open to it.”

Handa na raw siyang sumabak muli sa trabaho. Hinihintay lang nila na maayos ang kanilang taping schedules. “I heard we’re airing on May. Dapat nag-start na kaming mag-taping. Pero naabutan ng Holy Week. So, I don’t know.”

Sa Anilao, Batangas nagpalipas ng Semana Santa si Benjamin. Nag-diving lesson daw siya roon kasama ang ilan niyang kaibigan.

Kapansin-pansin na mas gumanda pa ang kanyang katawan ngayon.  Nag-effort daw siya talaga na ma-achieve niya ito. “I’m training for triathlon,” sabay ngiti ulit niya.

Pang-sexy actor roles na talaga ang dating niya. “Okey lang naman sa akin ‘yong sexy o daring roles. Wala namang problema ‘yon. Kasi I mean… you know, you get to that stage, eh. And if that’s the trajectory na do’n ako pupunta at kung maayos naman ang script, okey lang naman sa akin. I’m not getting any younger. So, kailangan din ng growth.”

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.