Benjamin Alves, nadulas sa relasyon nila ni Julie Anne San Jose

HANGGANG ngayon ay wala pa ring inaamin ang aktor na si Benjamin Alves at ang singer-actress na si Julie Anne San Jose, ngunit waring nadulas si Benjamin nang tanungin kung nagse-celebrate sila ng monthsary.

Julie Anne San Jose and Benjamin Alves

Mabilis na tugon niya, “Oh yeah!” Natawa ang aktor sabay-bawi. “Well, mostly ng fans club. Kasi 19th, magma-monthsary. ‘Yong fans po, nagma-monthsary sila. So, mag-a-anniversary na, parang gano’n po ‘yun.” 

Tinanong din ang aktor kung hindi ba siya natatakot na ma-bash ng fans ni Julie Anne na mga sobrang aktibo sa social media kapag hindi sila nagkatuluyan?

“Hindi naman. As long as okay naman kami… I’ll understand. I mean, nagha-hypothetical tayo. If we end up or, you know, I just hope na I’ll understand them,” sabi pa niya. 

Kamakailan ay sinabi ng dalawa na sila ay nasa ‘exclusively dating’ stage na hanggang ngayon ‘yon pa rin daw ang status nila. 

Kasalukuyang napanonood ang dalawa sa afternoon drama series na “Pinulot Ka Lang Sa Lupa” sa GMA.

 

Erika Mae Salas, hataw sa kaliwa’t kanang projects

 

MASAYA ang young singer na si Erika Mae Salas dahil sa kaliwa’t kanan ang projects niya. Una, concert niya ngayon taon ang “Killing Me Softly With Your Love” na gaganapin ngayong March 21, 8 p.m. sa Historia Bar, Sgt. Esguerra St., Q.C. (near GMA, side of Caltex gasoline station, near Timog Avenue).

Erika Mae Salas

Isa si Erika sa magiging bahagi ng nasabing show kasama sina Garie Concepcion, Tori Garcia, LA Santos, and Altitude.7 band, with Pauline Cueto, Kikay at Mikay, Sarah Ortega, Rayantha Leigh, at Eumir Rader sa produksyon ng TJC Entertainment Productions at sa direksyon ng inyong lingkod at ni Leklek Tumalad.

Nagpapasalamat naman ang produksyon sa mga sponsors: Throycath Travel and Tours Agency, TEAM, Mesa Restaurant , Fernando’s Bakeshop, I-Spy, Erase Placenta, SVS Associates, at Karaoke Republic. 

For tickets, call/ text 0915-8507388; 02-5031309. 

Samantala, magiging bahagi rin si Erika ng forthcoming concert ni Gerald Santos titled “Something New In My Life” na gaganapin sa April 9, sa SM North EDSA Skydome. Special guest dito si Ms. Regine Velasquez at ang UP Concert Chorus. 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.