Benjamin Alves, itinanggi si Rachelle Ann Go

Benjamin-AlvesACCOMMODATING SI Benjamin Alves sa tsikahan. All smile kapag kaharap mo na, na everytime ngumingiti, ang mga tsinitong mata niya ay lalong nagiging “intsik” ang hitsura niya.

Very pleasant sa amin ang mukha ni Benjamin. May innocence na tipong totoy kahit hindi na.

Last Saturday morning, we had the chance to be in the company of Kapuso Stars like him together with Rocco Nacino, Ruru Madrid, Pancho Magno and Ang Bagong Kilabot ng mga Kolehiyala na si Michael Pangilinan (of Master Showman ni German Moreno) sa imbitasyon ni Tanauan Mayor Tony Halili sa Celebrity Basketball Exhibition para sa 1st Mayor’s Cup Inter-Barangay Basketball Tournament na in-organize ng kaibigang Jobert Sucaldito ang showbiz team na galing Manila to complete sa basketball game.

Small but terrible ang assessment namin sa laro ni Benjamin. He has his own style kung papaano i-dribble ang bola habang lumulundag-lundag na akala mo’y nag-e-airwalk na tipong may spring ang suot na rubber shoes na sabi niya ang dahilan: “Para hindi madali mapagod,” na during the game ang daming points ang naipasok ng aktor sa kanilang koponan pero ang ending talo pa rin sila sa labanan.

Benjamin who entered showbiz as Showbiz Heartthrob Piolo Pascual’s nephew (his dad and Piolo are mag-pinsang buo) as Vince Saldana in a reality show for ABS-CBN who changed his name later to Benjamin Alves na on his own merit ay nakilala siya pakonti-konti sa mga remarkable film like Sana Dati na isang Cine Malaya Film Festival entry last year with Paulo Avelino and Lovi Poe at sa mga forgettable movies like the horror trash nila ng dalaga about ‘yong kakambal na freak in Guni Guni na ang movie poster ay photocopy pa ng isang Thai Horror film and the rest is history for Benjamin.

Pero ang mga ‘yun were just part of Benjamin’s early filmography na ‘yong mga pelikulang so-so ay p’wede naman niyang i-delete at burahin sa kanyang alaala.

He’s no bum na porke’t cutie ay pinasok na ang modelling at showbiz to earn his dough. Benjamin is a summa cum laude graduate in English Literature from the University of Guam before he decided to come to Manila to try his luck in 2008. I just wonder kung ano ang naglalaro sa isipan niya while doing films na alam niyang sablay sa konsepto, waley ang structure ng kuwento the fact na hindi naman siya masasabing walang alam dahil may pinag-aralan ang binata.

Aminin man ng aktor o hindi, stand-out siya sa mga pambidang artista ng Kapuso Network with his looks and acting talent (sorry but I’m not familiar with most GMA’s teleserye) after seeing him act as Paulo’s brother in Sana Dati, nasa consciousness na namin si Benjamin. Yes, this kid can act basta maalalayan lang at mabigyan lang ng matinong projects.

And regarding the rumour na sila na ni Rachelle Ann Go, napangiti lang siya sa balita because the tsismis is not true. Not even a slight truth dahil dinugtungan lang ng kung sino man ang sumulat ang sagot niya sa tanong na if he is in London, will he watch Rachelle in Miss Saigon?” Of course I will because I’m proud as a Flipino watching someone on stage na Pinoy and kilala ko,” kuwento niya sa amin.

Sobra raw ang tsismis. He won’t event buy a ticket to go to London just  to watch Rachelle dahil sobra na raw ang balita.

Nagtataka lang siya kung saan nagsimula ang kuwento. Maging siya, he told us na never silang naging close ni Rachelle. Not even the chance of dating her in the past. “If ever ‘andu’n ako, I will watch her. Proud Pinoy ako,” sabi niya.

Well, Benjamin should learn na nasa showbiz siya. Dapat masanay na rin siya na ang mga kuwento sa showbiz ay minsan dinudugtungan o nababawasan at nadadagdagan kapag iresponsable ang sumusulat na ang kinahihinatnan ay nauuwi sa ibang ending.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

4 thoughts on “Benjamin Alves, itinanggi si Rachelle Ann Go

  1. Pingback: Benjamin Alves, itinanggi si Rachelle Ann Go | Pinoy Showbiz

Leave a Reply

Your email address will not be published.