Benjamin Alves, aminadong ‘di pa kayang abutin ang kasikatan ng kanyang Tito Piolo Pascual

NAPAKA-HUMBLE NG newest addition sa Kapuso Stars na si Benjamin Alves na pamangkin ni Piolo Pascual, at isa sa iginu-groom ng GMA-7 para maging matinee idol, nang sabihin nitong hindi niya kayang higitan ang kasikatang tinatamasa sa ngayon ng kanyang Uncle Piolo.

Ayon nga kay Benjamin, masyadong maraming bigas at taon daw ang kanyang bibilangin bago marating

ang kung ano mang kasikatang tinatamasa ngayon ni Piolo. Pero aminado naman ito na gusto niya ring sumikat katulad ng kanyang uncle ,kaya naman daw nagpapasalamat siya sa pagtanggap sa kanya ng GMA-7 at sa magandang plano sa kanyang career.

Sa ngayon daw, focus muna si Benjamin sa trabaho at walang time sa pag-ibig. Lumuwas daw siya sa Pilipinas from Guam, kung saan ito nanirahan nang matagal at nagtapos nang summa cum laude sa kursong English Literature, para i-

pagpatuloy ang kanyang pag-aartista at makagawa ng sariling pangalan at sumikat.

Sa ngayon daw, inihahanda na ang mga proyekto nito sa GMA-7, pero sa ngayon ay regular siyang napapanood sa Party Pilipinas. Bukod sa shows sa GMA-7, may pelikula rin siyang ginagawa sa Regal Films kasama si Lovi Poe.

 

SUPER SUCCESSFUL ang katatapos na 2nd Grand (Back To School) Fans day ng UPGRADE na kinabibilangan nina K-Cee , Ron, Rhem, Miggy, Armond, Kevin at Raymond na ginanap last June 24, 2012 sa Mang Inasal Tomas Morato, Quezon City, hosted by yours truly sa pakikipagtulungan ng Star City c/o Kuya Ed De Leon, Aficionado Germany Perfume/ Joel Cruz Signatures, New Placenta/ Olive C at UPGRADERS Extreme Fans Club officers.

From Party Pilipinas kung saan nag-perform ang UPGRADE, dumiretso na ang mga ito sa venue, kung saan nagulat ang mga ito sa dami ng mga tagahangang naghihintay sa kanila na nagmula pa sa Laguna, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Makati, Pateros, Valenzuela, Proj. 3, Batangas, Batasan, Malabon, Navotas, Caloocan, Novaliches, Fairview, Lagro at Davao na lumuwas pa para makita at makasama ang UPGRADE. Kung saan naging espesyal na panauhin ang Master Showman na si Kuya German Moreno.

Nag-enjoy ang fans ng UPGRADE sa raffle draw at games tulad ng Trip to Jerusalem na ang nagwagi ay si Sleurette Gallardo at News Paper Dance kung saan si Chelsea Joy Alacida naman ang nanalo. Winner naman sa UPGRADE Scrapbook-Making si Angelica Besquera at si Julie Anne Antolin sa UPGRADE Poem Making Contest. Pinuno naman ng tilian ang nasabing venue nang mag-alay ng dalawang awitin ang UPGRADE. After ng games/ raffle draw at kumain, nagkaroon ng pagkakataon ang fans na magpalitrato, magpa-authograph at makipagkuwentuhan sa bawat miyembro ng UPGRADE.

 

MARIING PINABULAANAN ng star ng Kasalanan Bang Ibigin Ka ng GMA-7 na may malubha siyang sakit kaya naman sumusobra na ang kanyang kapayatan. Natatawa na nga lang daw ito sa tuwing may magtatanong sa kanya kung may sakit ba siya, na sinasagot naman nito ng hindi.

Paliwanag ni Jackie Rice, gusto lang daw niyang pumayat at maging slim during the time na wala pa siyang bagong show, para raw ‘pag binigyan na siya ng bagong show ay sexy na siya. Kaya naman daw nang ibinigay sa kanya ang nasabing soap, marami ang nagulat dahil slim na slim na siya.

Dagdag pa nito na maganda naman daw ang registration ng kanyang kapayatan sa screen at hindi naman daw sobrang payat kung panonoorin. Kaya naman daw happy siya dahil na achieve niya ang kanyang gustong timbang at slim body.

Masaya rin daw si Jackie dahil sa magandang pagtanggap ng mga manonood sa kanilang show na maganda ang ipinapakitang lakas sa rating game. Bukod pa sa marami ang pumupuri sa kanyang mahusay na pagganap sa nasabing serye.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

12 thoughts on “Benjamin Alves, aminadong ‘di pa kayang abutin ang kasikatan ng kanyang Tito Piolo Pascual

  1. galing ng bata pasimple pa tito nga nman nya si piolo heheehe dba xa yung nanalo dti sa close up? 

  2. I DON’t KNOW  HOW THIS GUY WAS ABLE TO GET A PROJET SO SOON !MUKHANG MAY KA MAGANAK SA GMA !HE LOOKS LIKE FROM THE  BARRIO !PROBINSYANO,WALANG CLASS AT BANSOT KELAN KAYA TONG GMA MATUTUTONG MAGDEVELOP NG MGA GWAPO AT MATATANGKAD AT YUMMY NA TALENTS!PURO UNANO ANG BINIBIGYAN NG BREAKS KAYA HINDI KUMIKITA MGA PELIKULA AT TELESERYES KASI WALANG GANA ANG MGA NANOOD! GMA SEND YOUR HUNKS NA TALL AND HANDSOME TO ACTING SCHOOLS PARA GANAHAN NAMAN KAMING MANOOD NG SHOWS NYO!!!!

  3. KUNG GUSTO MO SUMIKAT SANA SA DOS KA PUMUNTA, HINDI KA SISIKAT SA KAPUSO HAHA! MAS MABILIS KA SISIKAT KUNG MAGPAPATIKIM KA SA MGA BEKING EXEC HAHA!

  4. hahaha patawa naman sumikat daw dahiul sa sariling pangalan,kung hindi niya pa pinagsigawan na pamngkin siya ni piuolo hindi siya makikilala. tsk! mga kanguso talaga kinukuha ung mga kapatid or kamag anak ng mga sikat na artista sa kapamilya tapos gagamitin yung sikat na artista na yun para sumikat starlet nila. wala talaga kayo sa pagpapasikat na artista ng abs talent search talaga hindi ginagamit ang sikat na artista…

  5. With regards to Jackie Rice kapayatan issue, sagwa nya tignan sa screen. Mukha cyang addict, tuyot na tuyot ang itsura. Tapos she looks older that her real age. Tapos sasabihin nya maganda ang rehistro ng kapayatan nya sa screen. Excuse me po, sakit sa mata ka panoorin. Pra akong nanonood ng addict na nag da drama.

  6. Di sya gwapo… Wala sa kalingkinan ni Piolo!

    OMG Kahit bakla si Piolo ang yummy nya ha! Sarap nyang ikama!

    Di tulad ng mga straight dyan na mukha naman ulikba like Derek Gurangsay!

Leave a Reply

Your email address will not be published.