Benguet, Magbibigay ng P.3M Tulong sa mga Biktima ng Sendong

 

MAGBIBIGAY NG P300,000 na tulong ang lokal na pamahalaan ng Benguet para sa mga pinakaapektadong lugar na nasalanta ng bagyong Sendong tulad ng Cagayan de Oro City, Iligan City at Du-maguete City.

Ito ay matapos na hilingin ni Governor Nestor Fongwan sa Provincial Board nitong Lunes sa pamamagitan ng isang sulat na maglaan sila ng P300,000 para itulong sa mga nabiktima ni Sendong.

Nabatid na agad naman itong inaprubahan ng Provincial Board kaya pinaghahandaan na ang pagpapadala ng pera sa mga nabanggit na lugar.

Ayon kay Governor Nestor Fongwan, bibigyan nila ang tatlong nabanggit na lungsod ng tig-P100,000.

“When Benguet suffered the effects of calamities, assistance and relief goods were given by various institutions and entities. So, we’re just doing the same. Sana, makatulong kami kahit papaano,” pahayag ni Fongwan.

(ROLANDO S. GAMOSO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.