Benepisyo ng PDAF Scholars, Kasado na sa CHED

KASADO NA ang magi-ging benepisyo ng mga scholars na umaasa sa Priority development Assistance Fund (PDAF).
Ito ang inihayag ni House appropriations chair Rep. Isidro Ungab, kasunod ng ratipikasyon ng P2.264 trilyong national budget para sa susunod na taon.
Sinabi ni Ungab na ang Commission on Higher Education (CHED) na ang titiyak na mabibigyan ng sapat na benepisyo ang mga estudyante at makakapagtapos ang mga ito ng pag-aaral.
Nangangahulugan na kasama pa rin sa 2014 fund ang mga scholars, ngunit ito ay nasa ilalim na ng pondo para sa CHED.
Maaalala na kamakailan ay tinangka pa ng minorya sa Kamara na harangin ang pagratipika sa pambansang pondo ngunit nailusot pa rin ito sa pamamagitan ng voice voting.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.