Benepisyo ng PAGASA Employees, Ibibigay na

TINIYAK NG mga opisyal ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) at Department of Science and Technology (DOST) na maipagkakaloob na sa mga susunod na araw ang pending benefits ng kanilang mga kawani.

Sinabi ni DOST Undersecretary Fortuno dela Peña na ginagawan nila ito ng paraan at itinuturing na primary concern ng naturang ahensiya.

Sa pagharap ng DOST sa Kamara para sa budget hearing ng 2013 national budget, sinabi nitong nailabas na ng Department of Budget and Management (DBM) ang nararapat na halagang kaila-ngan, alinsunod sa umiiral na Magna Carta.

Hiniling naman ng mga taga-PAGASA sa House committee on appropriations na isama na rin ang pondo para sa kanilang benepisyo sa regular item upang huwag na itong iasa sa savings ng nasabing tanggapan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM) 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.