Benepisyo ng mga empleyado, tiniyak ng PCGG

TINIYAK NG pamunuan ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) ang makukuhang benepisyo ng may 200 empleyado sa harap ng napipintong pagbuwag sa nasabing ahensiya.

Ayon kay PCGG Chairman Angres Bautista na kasama sa kanilang panukalang isi-

numite kay Pangulong Noynoy Aquino ang pagbibigay ng trabaho at benepisyo sa kanilang mga kawani.

Ipinagmalaki rin ni Bautista na sa 26 na taong pagtatrabaho ng PCGG para mahanap at mabawi ang mga sinasabing nakaw na yaman ng mga Marcos, nakamit nila ang layuning mas malaki ang maibalik sa kaban ng bayan kumpara sa ibinigay sa kanilang pondo.

Sa katunayan aniya, umabot sa P164 bilyon ang naibalik nila sa gobyerno na hindi hamak na mas malaki kumpara sa P5 hanggang P7 bilyon nilang pondo.

Gayunman, iminumungkahi pa rin aniya nilang mailipat na lamang sa ibang ahensiya ang kanilang trabaho, dahil nagawa na nila ang kanilang makakaya at mahihirapan na silang habulin pa ang mga umano’y responsable sa pagkawala ng yaman ng bayan pero nakabalik pa sa kapangyarihan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

One thought on “Benepisyo ng mga empleyado, tiniyak ng PCGG

  1. Pingback: Benepisyo ng mga empleyado, tiniyak ng PCGG - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.