Benepisyo ng Caloocan Retirees, Ibibigay na Nang Buo

IPAGKAKALOOB NGAYON nang buo ni Caloocan City Mayor Oscar Malapitan ang matatanggap ng mga magreretirong kawani ang kanilang retirement pay at iba pang benepisyo.

Ito ang tiniyak ni Mayor Malapitan kasabay ng pag-uutos sa mga lokal na tanggapan na madaliin ang pagpoproseso at pagpapalabas ng mga dokumento na kakailanganin ng empleyado para sa kanayang retirement.

“Layon po natin sa kautusang ito na maipadama sa kanila ang ating pagkilala sa dedikasyon at mahalagang kontribusyon na ginampanan ng mga retirees para sa Caloocan,” aniya.

Dati na kasing nakagawian ng mga nagdaang administrasyon na utay-utayin ang pagbibigay ng retirement pay ng mga empleyadong umabot sa mandatory retirement age na 65.

“Tatanggalin na po natin ang naging dating gawi na ang kanilang mga benepisyo ay lagi na lamang nade-delay at nagdudulot ng perhuwisyo,” dagdag pa ng alkalde.

Kaugnay nito, iniutos din ni Malapitan na dapat tumugon ang lungsod sa pinakahuling panuntunan ng Department of Budget and Management, Budget Circular 2013-1, na nagtatakda na kailangang maibigay ang lahat ng benepisyo ng retiree nang hanggang 30 araw mula sa kanyang retirement date basta’t nasumite nito ang lahat ng requirement 90 araw bago ang petsa na nabanggit.

 (ROMAN MAGPOC) 

 

 

Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.