Benedict Aquino, Wanted sa Pamamaril

ISANG KAPANGALAN NG dating artista na si Benedict Aquino ang pinaghahanap ng mga awtoridad matapos na aksidenteng mabaril nito ang kaibigan nang paglaruan ng una ang kanyang dalang baril sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Pinaghahanap ngayon ng mga awtoridad ang suspek na si Benedict Aquino, 16-anyos at residente ng # 152 KBS Compound, Kapanalig St., Brgy. 28 ng nasabing lungsod na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Inoobserbahan naman sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) sanhi ng tinamong tama ng hindi natukoy na kalibre ng baril ang biktimang si Joemar delos Santos, 12-taong gulang at kapitbahay ng suspek.

Sa isinagawang imbestigasyon ni PO1 Jerry Garces, may hawak ng kaso, naganap ang insidente dakong 7:00 ng gabi sa # 239 Ususan Extension, KBS Compound, Brgy. 28.

Ayon sa ulat ng pulisya, kasalukuyang nagkukuwentuhan ang biktima at ang suspek nang ilabas ni Aquino ang dala nitong baril na pinagyabang sa kaibigan habang pinaglalaruan.

Tinangka ng biktima na sawayin ang suspek ngunit hindi pa rin ito nagpapigil hanggang sa bigla itong pumutok at tinamaan sa ulo si Delos Santos na unang isinugod sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center (PDMMMC) ngunit matapos itong lapatan ng paunang lunas ay inilipat din sa JRMMC kung saan ito inoperahan habang agad namang tumakas ang suspek dala ang baril sa hindi natukoy na direksiyon. (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.