Belladonnas gustong sulutin ng TV network

Belladonnas

NAKAW-EKSENA ang pagsabak ng  grupong Belladonnas sa isang nationwide audition para sa bubuksang bagong reality show ng isang TV network. Hindi naiwasang makilala sila ng kapwa nila auditionees habang nagpe-perform.

Karamihan din sa nag-audition ay nagpakuha pa ng pictures sa Belladonnas habang ang ilan naman ay bini-videohan pa ang grupo habang nagpe-perform sa harap ng judges.

Halatang interesado ang production staff ng TV network na ipasok sa contest ang Belladonnas. Gusto rin daw nilang i-manage ang Belladonnas not knowing na meron itong manager at existing contract.

Nagustuhan nila ang pagkakaroon ng sariling individuality ng bawat miyembro ng grupo. In fairness, hindi talaga sila magkakamukha at magkakaiba rin ang kanilang personalidad.

Ikinumpara pa nga ang Belladonnas sa isang existing group na regular napapanood sa TV network’s noontime show. Mas sabay-sabay pa raw silang sumayaw at talagang magagaling.

Ayon sa manager ng grupo na si Len Carillo, hinahayaan niyang mag-audition ang members ng grupo para makahanap ng mas malaking opportunity para sa kanilang pagsikat. Hindi raw niya hahadlangan kung merong member ng Belladonnas ang magkakaroon ng solo career.

“Open naman kami sa pagtanggap ng bagong members na gustong sumali sa grupo at mag-undergo ng rigid trainings and workshop. Kung merong mabibigyan ng break para mag-solo at aalis na sa grupo, hindi yon magiging problema,” rason pa niya.

 
 

La Boka
by Leo Bukas

loading...

2 thoughts on “Belladonnas gustong sulutin ng TV network

    • galawang kapusalot kasi. kaya nakikiride on lang. kahit anong gawin naman nila DA WHO pa rin mga yan. hahahaha!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.