Belinda Bright: Nawawalang kinang!

Makinang ang naging career ng sexy star na si Belinda Bright. Mula nang ma-discover ng isang talent scout sa isang school, sunud-sunod na projects na ang dumating sa kanya. Ilang sexy magazines din gaya ng FHM ang nakapansin sa ating model/actress. Lumabas din siya sa mga maiinit na pelikulang kanyang pinagbidahan, ang She Walks By Night at Ang Kapitbahay.

Ngunit ilan sa mga naging problema niya ay ang kakulangan sa pagha-handle sa kanyang showbiz career. Matagal na rin nating hindi nakikita si Belinda. At ayon pa sa isang chikka, nagtrabaho raw si Belinda Bright bilang isang flight attendant sa Qatar Airways nang mahigit dalawang linggo at nag-training ng halos dalawang buwan. Pero nang malaman ng naturang kumanya ng eroplano na isang bold star si Belinda sa Philippine showbiz industry, agad itong tinanggal sa trabaho. Totoo ba ito, Belinda?

Parazzi Chikka

By Jet Bentulan

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.