Bela Padilla, scriptwriter ng Piolo-Toni reunion movie!

Bela Padilla

TONIGHT IS THE grand finale of the family drama ‘My Dear Heart’ na pinagbibidahan nina Zanjoe Marudo at Bela Padilla. Hindi muna tatanggap ng bagong teleserye ang dalaga dahil kakaririn naman nito ang pagiging scriptwriter.

 

Yes, scriptwriter na ang rumored girlfriend ni Zanjoe Marudo! Masaya si Bela dahil nagustuhan nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga ang prinopose na concept nito. Sa mga hindi nakakaalam, si Bela ay isa sa mga nag-conceptualize ng Camp Sawi at Luck at First Sight, which was a co-production effort of Viva Films at ng N2 Films ng ex-boyfriend niyang si Neil Arce (na ngayo’y nalilink naman kay Angel Locsin).

 

Hindi pa kami sure kung Star Cinema ba ang producer ng reunion movie nina Piolo at Toni, na huling nagsama sa memorable ‘Starting Over Again’. Siguradong mataas ang expectations dahil matagal din naghintay ang fans ng loveteam. Bela, galingan mo ‘yan! Si Bb. Joyce Bernal naman ang director.

Samantala, tinatapos din ni Bela ang pelikulang ‘100 Tula Para Kay Stella’ with JC Santos. Rakista naman ang peg niya rito.

 

Hanggang ngayon ay hindi pa rin umaamin sina Zanjoe at Bela kung sila na nga ba talaga. Nagtataguan pa rin ba ng feelings?

Wait na lang natin kung may ZanBel sightings pa after ng My Dear Heart!

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.